^

PSN Opinyon

LISTO LANG - '(H)ari ng martial arts'

- ni Joel Palacios -
ANG silanganing pamamaraan ng pagtatanggol sa sarili o martial arts ay nagkakaroon na ng kakaibang paggamit. Ito ay nagiging kasangkapang pang-kultura. Ang iba’t ibang baryasyon nito ay maaaninag sa mga kanta, sayaw, at maging sa ehersisyo. Karate, judo, tai chi, aikido, yao-yan, taekwondo, arnis, at iba pang mga martial arts ang ilan lamang sa mga kilalang martial art. Ngunit ano nga ba ang pinakamalakas na technique? Walang pinakamabisang paraan upang mabatid kung ano sa mga ito ang pinakamabagsik kung hindi paglabanin ang mga practitioners sa isang malaking patimpalak.

Sa Taipeh, si Tu Chin-sheng, isang propesyonal ng Taiwanese na martial art na kung tawagin ay chi kung, ang nagsabing ang pangunahing layunin nila ay palakasin ang kanilang mga pagkalalaki. Si Tu at ang iba pa niyang mga kasamahan ay dagliang kumuha ng atensyon nang hilahin nila ng 30 sentimetro ang isang 11-toneladang trak sa pamamagitan ng kanilang mga ari. Ayon pa kay Tu, ang susunod nilang gagawin ay kumaladkad ng isang eroplano. Mahirap pantayan ng sinumang Pilipino ang ginawa nina Tu. Bakit nga ba hindi na lang sila makuntento sa pagkikipaglaban?

Guro ng arnis.
‘‘Lulutasin namin ang laban sa pamamagitan ng aming paa, kamao at pamalo at hindi ari. Ano kami bakla?’’

Baklang aktibista:
‘‘Puro salita lang tayong mga Pilipino. Walang mapapatunayan hanggat di subukan.’’

Guro ng chi-Kung:
‘‘Mga ginoo, ang chi-kung ay para pantanggol lamang sa sarili. Ngunit ang pagkalalaki natin ay maaari ring maging sandata tulad ng kamao, paa, siko, ulo at iba pang bahagi ng katawan.’’

Hindi sinabi kung gaano kalaki ang lubid o kable na ginamit nina Tu sa paghila ng trak. Subalit sila ang itinuturing na mga kauna-unahang tao na nakagawa ng ganoon. Dibdiban ang kanilang pagsasanay kabilang na ang pagsasabit ng mga bagay na may bigat na 200 kilo sa kanilang ari. Maaari itong subukan ninuman kabilang na ang mga may-asawa. Pero kinakailangan pa rin ang pahintulot ng kanilang mga maybahay. Malaking kawalan ito kung sakali. Hindi magtatagal na maging ang mga kababayan natin ay susubukan na ang kakaibang paraang nabanggit. Hindi naman monopolyo ng mga Taiwanese ang pagkalalaki ng lahat. Sa hinaharap, maaari nating pagharapin ang mga Pilipino at mga Taiwanese sa isang paligsahan sa paghila ng trak upang maayos ang mga tunggalian. Dito na marahil malalaman kung ano ang siyang karapat-dapat na tanghaling hari ng mga martial arts.

GURO

KUNG

NGUNIT

PILIPINO

SA TAIPEH

SI TU

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with