^

PSN Opinyon

Ang history ng Manila's Finest

-
NAIS kong linawin na itong Metropolitan Police Force of Manila ay itinatag noong Enero 9, 1901 at unang pinamunuan ng isang Amerikanong sundalo na si US Army General Arthur McArthur, na ama naman ng famous American General na si General Douglas McArthur.

Napalitan ang pangalan nito na Manila Police Department (MPD) at Manila Metropolitan Police (MMP) hanggang sa kasalukuyang dinadala nitong Western Police District Command (WPDC), na nagseselebra naman ng kanyang foundation day tuwing Hulyo 31 bunga ng Philippine Commission Act No. 183.

Ang WPDC ay magiging 100-taon na sa darating na Enero 9 at pipilitin nga ni Chief Supt. Avelino ‘‘Sonny’’ Razon Jr., hepe ng pulisya, na magkaroon ng isang selebrasyon kahit na kinakapos sila ng pondo dahil sa kasalukuyang economic situation ng bansa.

Sa centennial celebration ng WPDC, gugunitain ang mga katapangan, heroism at patriotism na ipinakita ng kanilang mga miyembro sa isandaang taon na pakikibaka sa samu’t saring kriminalidad sa Kamaynilaan. Maging si retired police Major Pete Angulo, na naatangang magsagawa ng research ukol sa iba’t ibang accomplishments ng WPDC noon at ngayon ay nahihirapang pumili dahil nga sa sobrang dami ng kanilang nahukay na mga sensational na kaso. Pero siyempre, hindi magiging matagumpay ang selebrasyon kapag wala ang mga Manila’s Finest na nakabase sa Los Angeles, California, USA.

Sa pagkaalam ko, sinulatan ni Angulo ang presidente ng asosasyon na si Felix Reyes at hinikayat na umuwi sila para magiging masaya ang okasyon at magunita naman nila ang kanilang partisipasyon upang itong Manila’s Finest ay titingalain pa hanggang sa ngayon. Ang unang Pilipinong hepe ng Manila’s Finest ay si Col. Antonio Torres. Nang naupo siyang hepe ng pulisya ng Maynila noong Marso 1, 1936, marami pa sa ating kapulisan ay mga Amerikano.

Ang trabaho pala ng Manila police noong panahon ay hindi lamang para sugpuin ang kriminalidad at pagpatupad ng batas sa Maynila kundi sa mga kapiling nitong bayan at siyudad at ilan pang probinsiya ng bansa. Dalawa pa lang ang police station noon. Ito ay matatagpuan sa Norte ng Pasig River sa Reina Reginte O Meisic na kinatatayuan ngayon ng Station 11 sa Binondo at ang isa naman ay matatagpuan sa south ng Pasig River sa Chinese Garden kung saan malapit naman sa Rizal monument sa Luneta.

Kaya ko tinatalakay itong 100-years ng WPDC ay para magunita naman ng mga Manilenyo ang history ng kanilang pulisya at maalala ang mga taong nasa likod ng tagumpay nito. Maraming mga retiradong pulis ang excited na sa ngayon dahil sa WPDC centennial celebration, lalo na ang mga bibigyan ng parangal ni Razon sa darating na okasyon.

AMERICAN GENERAL

ANTONIO TORRES

ARMY GENERAL ARTHUR

CHIEF SUPT

CHINESE GARDEN

ENERO

FELIX REYES

GENERAL DOUGLAS

PASIG RIVER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with