Alisin man niya ang mga nakapaskel na anunsiyo, kinabukasan ay mayroon nang kapalit agad. Para bang talagang ginagalit siya. Pero ang totoo ay talaga lang epektibong lugar ang kanyang lote dahil kanto.
Dahil sa wala siyang magawa sa mga anunsiyo, ibinuhos na lang sa galit at pagkamuhi. Mula noon basta anunsiyo ay kumukulo ang dugo at gustong pumatay ng tao.
Sa isang panig ng kanyang bahay, ay mayroon silang sari-sari store. Marami ang bumibili dahil din sa magandang puwesto. Mga sasakyan na dumaraan sa highway ay mahilig huminto para bumili ng pampalamig at ibat ibang pasalubong. Ang mga taga-nayon din ay madalas dumaan sa sari-sari para bumili ng sigarilyo at mga kailangan sa kanilang bahay.
Isang araw, isang ahente ang nagsadya sa magsasaka dahil sa kanilang sari-sari.
Gusto po ba ninyong bumili ng espasyo sa diyaryo sa bayan? Mailalagay po ninyo ang isang anunsiyo tungkol dito sa tindahan ninyo, bungad ng ahente.
Biglang kumulo ang dugo ng magsasaka at napasigaw, "Hindi namin kailangan ang anunsiyo. Malakas ang aming sari-sari.
Ano ho ba ang malaking gusaling iyon?
Iyon ang aming simbahan.
Gaano na katagal?
Mga 100 taon na.
Tingnan nyo, hanggang ngayon ay pinatutunog ang kampana bilang anunsiyo sa tao kaya tumagal ng 100 taon.