^

PSN Opinyon

LISTO LANG - Ang buhay ay jueteng

- ni Joel Palacios -
NAGTATAGO ang mga sugarol. Isa sa mga pinakamaimpluwensiyang miyembro ng kanilang piling samahan ang "kumanta" sa mga awtoridad. Si Gov. Luis "Chavit’’ Singson ng Ilocos Sur, isang kilalang jueteng lord, ang kamakailan lamang ay ‘‘kumanta’’ sa harap ng makapangyarihang Blue Ribbon Committee ng Senado. Kanyang ibinunyag ang mga pangalan ng ilang operator ng jueteng sa iba’t ibang bahagi ng Luzon. Marami na ang naging biktima sa pagbubunyag ni Singson. Ang Presidente, ang ekonomiya, ang taumbayan. Hindi ito ang unang pagkakataon na pinatawag ng Senado ang isang gambling lord. Ngunit, kalimitan nakaaalpas sila ng wala man lamang parusang naigagawad.

Hindi na maaaring mangyari ito sa ngayon. Isang ‘‘hari’’ ang nasa panig ng mga awtoridad upang magbigay ng testimonya. Subalit, lubhang mahirap matunton ang mga taong kabilang sa listahan ni Singson. Sa pera at kapangyarihan na kanilang hawak, madali nilang taguan ang batas. Hindi na nila kailangan pang sumanib sa isang rebeldeng grupo, sa Komunista o di kaya’y sa Abu Sayyaf.

Maybahay sa isang Kubrador ng jueteng: ‘‘Nanaginip ako ng isang kalbong nilamon ng sawa. Heto ang limang piso. Tayaan mo ang katumbas na numero.’’

Kubrador: ‘‘May bigote ba ’yung kalbo? Magdagdag ka ng limang piso para doon sa bigote.’’

Tiwaling pulis: ‘‘Sigurado ka bang ’yung kalbong sinasabi mo ay hindi ’yung pinaghahanap naming gambling lord? Masama ang sugal. Itigil na natin ito. Magiging legal na ang jueteng at ang mga pulitiko lang ang matutuwa.’’

Bakit, tila mahirap matigil ang jueteng? Ang naturang laro ay nakatanim na sa sensibilidad ng mga Pilipino sapagkat nakapagbibigay ito ng oportunidad sa mga nangangailangan at ang pera ay umaabot sa bulsa ng mga lokal na opisyal at mga pulis. Batid ng lahat ang talamak na pandaraya sa bolahan. Ngunit hindi nila ito alintana dahil sa laki ng maaaring mapanalunan. Nagiging matagumpay ang jueteng sa mga lugar na labis ang karukhaan. Ito ay animo’y opyo ng mga naghihikahos. Para sa kanila, ang jueteng siyang tanging nagbibigay sa kanila ng pagkakataong makabayad sa kanilang pinagkakautangan at makatikim ng kaunting ginhawa.

Ang pagtatangkang maging ligal ang jueteng ay nadiskaril dahil sa mapusok na pagtutol ni Singson. Hindi mapipigilan ng mga paratang ni Singson ang mga bolahan. Marami pa ring mahihirap ang magsusugal para sa pagkakataon. Sapagkat sa kanila, ang buhay ay jueteng.

ABU SAYYAF

ANG PRESIDENTE

BLUE RIBBON COMMITTEE

ILOCOS SUR

JUETENG

KUBRADOR

MARAMI

NGUNIT

SINGSON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with