^

PSN Opinyon

Chelation therapy ni Dr. Art Estuita (Huli sa serye)

-
MAY kasabihan sa Ingles na you cannot please everybody. Anuman ang gawin lalo na iyong makabagong pamamaraan o may tunog na rebolusyonaryo ay hindi puwedeng walang kokontra. Batid ni Dr. Art Estuita na may mga doktor at grupo ng mga doktor na hindi naniniwala sa bisa ng chelation therapy process. Sa kabila ng mga pagpunta at pagbatikos ng chelation therapy ay sapat ng katibayan na mabisa ang prosesong ginagawa niya at ng mga katulad niyang chelationists.

Alam ni Dr. Estuita na ang chelation therapy process ay hindi sinasang-ayunan ng American College of Cardiology sa kadahilanang ang nabanggit na grupo lamang ang nakakaalam subalit ang proseso namang ito ay aprubado ng American College for the Advacement of Medicine, Philippine College for the Advancement in Medicine at Philippine Society of Chelation Therapy.

Noong Agosto 18, 2000 ay ipinagdiwang ni Dr. Estuita ang kanyang ika-60 taong kaarawan. Dumalo ang inyong ‘‘Mahal’’ sa salu-salong ginanap sa Emerald Garden 2 at nakita ang ilang prominenteng tao na napagaling ng prosesong ito ni Dr. Estuita. Ako mismo ay personal na magpapatotoo na malaking bagay na nagawa ng chelation sa aking katawan. Marami rin buhat sa Friends of Chelation ang nagbigay ng kanilang testimonials. Sa buwang ito ay nakatakda siyang dumalo sa kombensyon na gaganapin naman sa Utah. Sinabi ni Dr. Estuita na ang mga manggagamot na gumagawa ng chelation ay mga nakababatid din ng conventional medicine. Sila’y mga lisensyadong medical doctors at doctors of osteopathy.

May mga nagtatanong kung sino ang puwedeng magpa-chelation. Sinabi ni Dr. Estuita na puwedeng i-chelation ang mga may edad 30 pataas depende sa kaso nila at kung sila’y pasasailalim sa preventive and therapeutic purposes. Kung ilang beses magpapa-chelation ay depende sa doktor.

Si Dr. Estuita na kilalang cardiologist, internist at preventivist ay tinutulungan sa kanyang panggagamot ng kanyang maybahay na isang registered nurse na si Gng. Elvira Nonato Estuita. Ang kanilang mga anak ay sina Marianne Kimberly Andrea, Maria Kathreen Cathy, Maria Kristine Karla, Giselle Gay, Carlo Arthur III, Don Arthur at Socrates Lawrence.

Ang kanilang klinika ay nasa unit 105 Taft Office Center Condominium 1986 Taft Ave., near Sen. Gil Puyat LRT, Pasay City, tel. nos. 551-0188, 831-6743 at 832-5634.

ADVACEMENT OF MEDICINE

AMERICAN COLLEGE

AMERICAN COLLEGE OF CARDIOLOGY

CHELATION

DR. ESTUITA

ESTUITA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with