^

PSN Opinyon

Chelation theraphy ni Dr. Art Estuita

-
TATLONG bagay sa mundo ang hindi mahahadlangan. Ito ay ang mga sumusunod: Ang pagsilang, pagtanda at kamatayan.

Dalawang klase ang pagtanda: Chronological aging at biological aging. Napatunayan na ang may sakit ng diabetes ay 25 taong higit na matanda sa taong walang diabetes. Maaaring sa tingin ang isang matanda ay 80 anyos na pero batay sa kanyang biological age, 60 anyos lang siya. Merong matatanda sa tunay na edad kung titingnan.

Ang mga sintomas ng pagtanda ayon kay Dr. Art Estuita ay ang panlalabo ng mata, pagiging makakalimutin, bumababa ang immune system sa sakit o resistensiya, bumababa ang sukat, kumukulubot ang balat, nalulugas ang buhok, nagiging stiff. Ang flexibility ng mga joints at muscles at malaki ang ibinababa ng sexual virility o ang kapasidad na makipagtalik.

Sa chelation therapy process ay may anti-aging at longevity effect. Isang Indian national na nakakalbo ang sumangguni kay Dr. Estuita. Sa pamamagitan ng chelation ay tinubuan siya ng buhok at may sideburns (Ala-Tom Jones). Isang babae si Miss Balitaan ay lumalabo ang mata at nang matingnan ni Dr. Estuita ay nakakabasa na ng Bibliya. Sang-ayon kay Miss Balitaan, isang himala ang chelation ni Dr. Estuita. Nabanggit ni Dr. Estuita na karamihan sa matatandang pasyente niya ay dumaan sa tinatawag na period of depression gaya ng sila’y nalulungkot na wala namang dahilan, gigising na hinang-hina at wala sa mood kaya naman ipinapayo ng butihing doktor na dapat na magkaroon ng positive thinking, bilangin ang mga biyaya buhat sa langit at magsagawa ng regular recreational exercises. (Tatapusin)

vuukle comment

ALA-TOM JONES

BIBLIYA

DALAWANG

DR. ART ESTUITA

DR. ESTUITA

ISANG

ISANG INDIAN

MAAARING

MISS BALITAAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with