Hatol ni APOSTOL - Napatay ang kalaguyo ng misis
October 20, 2000 | 12:00am
ANG letter ay galing kay Eusebio Mangahas ng Dagat-dagatan.
Sa Amerika ay may tinatawag na double jeopardy kung saan hindi na maaaring hatulan ng parehong sentensya ang isang tao sa isang krimeng kanyang ginawa. Ako po ay nabilanggo ng 10 taon sa salang pagpatay sa kalaguyo ng aking asawa. Bagaman hindi ko ginawa ang nasabing krimen, pinagsilbihan ko pa rin ang sentensiya sa loob ng bilangguan. Nalaman ko po kasing hindi ko naman pala napatay ang kalaguyo ng aking asawa, bagkus ay nagpanggap itong patay upang makulong ako at para malaya na silang magsama.
Nang makalaya na ako, nagkita kami ng kalaguyo ng hindi inaasahan sa isang restawran. Sa sobrang galit ay nakadampot ako ng steak knife at nasaksak ko siya sa dibdib. Naospital siya at matapos ang dalawang araw ay namatay.
Mahahatulan pa ba akong muli sa nasabing kaso, gayong hindi ko naman talaga siya napatay noong una? May double jeopardy rule rin ba rito sa ating bansa?
Hindi ka na maaaring mahatulan muli sa nasabing krimen na iyong pinagsilbihan sa loob ng bilangguan. Ito ang double jeopardy na prinsipyo sa ating batas kriminal. Ito pa nga ay nasa ating bill of rights sa Konstitusyon.
Ayon sa Sec. 21: Walang tao na maaaring mahatulan ng dalawang beses para sa parehong krimen. Ang karapatan laban sa double jeopardy ay pinagbabawalan ang paglitis at paghatol muli sa isang tao para sa krimen kung saan siya ay napawalang-bisa o nasentensiyahan na.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended