Narito ang mga pagkain na inihanda ni Dr. Arturo Estuita na tinawag niyang Free Radical Scavenger Diet. Marami na ang nagpatunay na epektibo ang naturang diet na ito ni Dr. Estuita. Isang mambabatas na sumailalim sa chelation therapy ni Dr. Estuita ang nagpatotoo na malaking tulong sa kanyang kalusugan ang diet na inirerekomenda ni Dr. Estuita. Dahil dito kinukumbinsi niya ang mga kakilala na sundin ang diet na ito.
Ayon kay Dr. Estuita, dapat ugaliin na magkaroon ng sariling disiplina para mabuhay nang matagal at magkaroon ng quality healthy life na makatutulong sa anti-aging, anti-atherosclerosis, anti-cancer, anti-arthritis at iba pang tinatawag na degenerative diseases.
Dapat na kumain ng sariwang prutas at gulay at uminom ng hindi chlorinated drinking and bathing water, brown sugar at pulot-pukyutan ang gamitin kaysa puting asukal. Hangga’t maaari ay huwag magkape, kaunting tsaa at tsokolate na walang asukal ang inumin. Iwasan din ang mga inumin at pagkaing may food coloring at bawasan ang mga dietary fat and oils. Iwasan ang mga may salitre, mga preservatives, mga pagkaing de lata na may nitrates at nitrites. Huwag kumain ng puting tinapay at bawasan ang cakes and pastries. Kumain ng unpolished rice, brown wheat bread at oatmeal araw-araw. Huwag iprito ang itlog at iwasan ang red meat. Kumain nang maraming vegemeat, taho, raw assorted nuts, tokwa, Japanese tofu, raw milk, gluton, vege choplet, miso, sariwang isda (hindi pinirito) at mga monggo.
Ugaliin ding uminom ng mga vegetables juices gaya ng carrots, cabbage, celery, broccoli, hilaw na patatas, pechay, cauliflower, string beans, hilaw na kamoteng-kahoy o cassava, spinach, cucumber at kamote.
Ang preparasyon ay nakasalalay din sa malikhaing isip at paghahalo ng mga nabanggit na gulay na talaga namang mainam sa kalusugan. (Itutuloy)