^

PSN Opinyon

IKAW AT ANG BATAS - Ang paglaya ni Susan (Ika-20 sa serye)

- Jose C. Sison -
‘‘ANONG gramo-gramo ang sinasabi nito?’’ Si Susan ay hindi makapaniwala. Imposible na may sisipot na testigo. Bawa’t bigkas ng pulis ay tunog na nagpapabingi sa kanya.

‘‘Now, Mr. Witness, kindly pinpoint in court, if you still recognize them, who are the persons whom you arrested?’’ Pakituro mo sila.’’ Yumuko si Susan. ‘‘Ang mga nagtuturo ay parurusahan ng Diyos."

‘‘Witness is pointing to a…’’ sabay lapit ng intepreter sa kanila, ‘‘…person when asked his name is?’’ ‘‘Lito Espiñosa,’’ sagot ng katabi. ‘‘… and another person named?’’ ‘‘Susan Ramirez,’’ ang kanyang nahihiyang sagot. "Paano kami nakilala? Ngayon lang kami nakita nito?’’ Ah, ang kanyang uniporme. Siya lang ang babae sa loob ng Korte na may dilaw na damit at may nakasulat pang Guillotine Club Inmate City Jail. Natural, siya ang akusado. At dahil katabi siya ni Lito, sila ang magkaasunto. Tiningnan niya si Atty. Santiago subali’t malungkot din ang mukha nito.

‘‘What were accused Ramirez and Espiñosa doing when you entered the room?’’ ‘‘Nasa akto po silang bumibili ng shabu kay Mr. Co. ‘‘Sinungaling! Minamanikyuran ko noon si Mrs. Co. Hawak-hawak ko ang kamay niya nang may pumasok na mga pulis.’’ Ibig nang sumali ni Susan sa usapan. ‘‘Atty., mag-object ka naman. Walang shabung nakuha. Planted evidence ’yan,’’ ang napipi niyang sigaw.

‘‘Mr. Witness do you have proof of the shabu recovered?’’ May pruweba ba kayo?’’ ‘‘Opo, narito po,’’ sabay labas ng maliit na supot na may lamang tawas. ‘‘Katorse.’’ Yaon ang ebidensiya laban sa kanila. Dalawang daang pisong halaga ng bato.

"That’s all your honor!’’ pangwakas ng piskal.

‘‘Cross examination,’’ anunsiyo ng hukom.

‘‘May we ask for a break,’’ request ni Atty. Santiago. ‘‘Bakit pa patatagalin. Tanungin na’t mahuling nagsisinungaling!’’ ‘‘Okey 15 minutes recess.’’ (Itutuloy)

BAKIT

BAWA

GUILLOTINE CLUB INMATE CITY JAIL

LITO ESPI

MR. CO

MR. WITNESS

MRS. CO

RAMIREZ AND ESPI

SI SUSAN

SUSAN RAMIREZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with