^

PSN Opinyon

DOON po sa NAYON - Ang talinghaga ng paaralan

- ni Sen. Juan M. Flavier -
ANG nayon ay nasa tuktok ng bundok. Upang marating, kailangang maglakad sa gilid ng gubat pataas sa bundok.

Lahat ng nakatira doon ay galing sa iisang angkan. Mahal na mahal nila ang kanilang nayon dahil sa napakagandang tanawin. Sa isang panig ay kita ang bayan sa ibaba. Sa kabila naman ay kita ang asul na dagat.

Isa sa problena ng nayon ay wala silang paaralan o guro. Marami nang taon na humihingi sila sa pamahalaan na magbigay ng guro. Ngunit walang gustong tumanggap.

Gumawa ang mga taga-nayon ng sarili nilang paaralan. Sa tabi ay nagtayo rin ng bahay na titirhan ng guro.

Sa kabutihang palad ay may bagong tapos sa pagtuturo ang pumayag pumunta sa paaralan sa bundok. Ang hiling ng dalaga ay samahan siyang umakyat sa nayon tuwing Linggo ng hapon at sabayan din sa pag-uwi sa bayan pag Sabado ng umaga. Sa buong linggo ay titira siya sa nayon para maturuan ang mga bata mula Lunes hanggang Biyernes. Hindi kukulangin sa 10 ang sumasama sa kanya. Isinasabay na rin ang pagdala ng kanilang paglakad sa dami ng sumasama.

Dahil sa kalagayan ang paaralang ito ang kaisa-isang hindi pa nabibisita ng sinuman sa mga supervisor sa bayan. Pero isang araw, apat na supervisor ang nagpasyang akyatin ang bundok. Limang oras silang naglakad dahil hindi sanay.

Pagdating doon ay puro reklamo ang apat na supervisor. Ininda ang hirap ng pag-akyat, ang mahapdi nilang paa, ang init ng araw at pawis sa buong katawan.

Nang gabing iyon ay isinulat ng dalawang guro sa kanilang talaan: ‘‘Napakasarap mabisita ng mga supervisor ko. Para madama nila ang hirap ko at pag-iisa. Kaya lang ay puro reklamo nila ang narinig ko. Walang nakaalala na kumustahin ako sa paaralang ito na nasa tuktok ng bundok.’’

BIYERNES

DAHIL

GUMAWA

ININDA

ISA

ISINASABAY

KAYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with