^

PSN Opinyon

OK ka Bata! - Mga kabataang babae, 'pain' sa isang diskuhan sa Parañaque

- ni Mario D. Basco -
Kung matindi ang operasyon ng jueteng sa mga lalawigan na ibinulgar ni Gov. Luis "Chavit" Singson, mas matindi ang nangyayaring "pokpokan" sa loob mismo ng Sky Trek disco/videoke club na matatagpuan sa Imelda Avenue, Sucat, Parañaque City.

Sa impormasyong nakalap ng OK ka Bata!, isang nagngangalang "Jolly Teng" ang may-ari ng nasabing diskuhan. May koneksiyon umano ito at malapit na kaibigan ng isang opisyal sa San Juan, Metro Manila kaya namamayagpag ang modus operanding "pokpokan".

Kaya ang nangyayari, "close-open" ang nasabing diskuhan at ngayon ay naging untouchable pa dahil sa "cash-sunduan" ng mga padrinong may katungkulan sa gobyerno at kapulisan ang nasabing lugar. Ano ba naman ‘yan, DILG Sec. Alfredo Lim?

Ayon sa impormasyon ng OK ka Bata!, pawang mga kabataang kababaihan ang ipinapain sa mga kliyenteng negosyante, partikular na ang ilang matataas na police officials ng Southern Police District Office (SPDO) at lokal na pamahalaan ng Parañaque.

Kaya pala mga kabayan hindi magawang salakayin ang hell treak este Sky Trek dahil sa mismong opisyal ng kapulisan at lokal na pamahalaan ang sinasandalan ng may-ari. Mga hinayupak kayo, sumpain sana kayo ng langit!

Alam n’yo ba mga kabayan na tatlong magkakaparehong numero (555-666) at P1, 500 bawa’t oras lang ang inyong sasabihin sa mga manager na bugaw ay magbibigay sa mga kliyente ng batambatang babae na walang saplot sa katawan maliban sa tinatawag na malong.

Ayon sa impormasyon ng isang tumiwalag na babae, hindi na masikmura ang kahayupan ng may-ari sa nasabing lugar, dahil sa sapilitang ipinapain sa mga kliyente partikular daw ang isang mayor ng Metro Manila at isang opisyal ng pulis na malimit mag-meeting kuno.

Bagama’t namumukod tangi ang Sky Trek sa alinmang diskuhan at videoke sa Parañaque City, wala raw bold show o modelling sa ibabaw ang stage dahil sa loob mismo ng VIP room nito nagsasagawa ng "pokpokan" kapag nagkasundo ang kliyente at babae sa tamang presyo.

Nabatid pa ng OK ka Bata! na si "Jolly Teng" din ang may-ari ng mga sikat na diskuhan at videoke club sa Quezon City na may katulad ding modus operandi ng Sky Trek at dinarayo ng mga customer.

Ano ba naman ‘yan NCRPO Director Gen. Edgar Aglipay, wala na ba kayong magawang paraan para maipasara nang tuluyan ang nasabing diskuhan. Pakisabihan n’yo si SPDO Supt. Manuel Cabigon na magsagawa ng biglaang pagsalakay sa nasabing diskuhan.

Ang masakit nito, General Aglipay, baka mataon ang pagsalakay ng inyong mga tauhan na may kliyenteng mga bigating police official at matataas na local official ng pamahalaan ng Parañaque ay magkahiyaan. Baka sumambulat na naman ang katulad ng kay Chavit na lahat ay sumabit. Okey ba, Mayor Joey Marquez?

ALFREDO LIM

BATA

JOLLY TENG

METRO MANILA

SKY TREK

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with