Hatol ni APOSTOL - Paninirang puri
October 16, 2000 | 12:00am
ANG letter ay galing kay Cesario Jimenez ng Daraga, Albay.
Ako po ay isang lider ng unyon sa isang pagawaan dito sa Daraga. Sampung taon na po akong namumuno dito bilang opisyal ng unyon. Bagaman likas na ang intrigahan dito, hindi naman ganoon kalala ang mga paninira ng ibat ibang grupo. Masasabi ko ring dahilan ng inggit ang pagkakaroon ko ng magandang relasyon sa management at kapwa empleyado.
Eleksyon noong nakaraang taon nang magsimulang kalabanin at siraan ako ng isa pang empleyado na itatago ko na lamang sa pangalang Alfredo.
Ipinagkalat niya ang balitang nababayaran daw ako ng management kung kayat hindi naibibigay ang lahat ng aming demands. Pinagkalat pa ni Alfredong kabit daw ako ng asawa ng aming amo. Dahil doon, natalo ako sa eleksyon.
Maaari ko po bang idemanda si Alfredo ng kasong paninira? Anong mga katunayan ang dapat kong ihanda? Gaano kalaki ang pag-asa kong manalo sa hukuman?
Maaari mong idemanda si Alfredo ng paninira ng puri (intriguing against honor) ayon sa Art. 364 ng Batas Kriminal. Ito ay isinasa-aksyon ng isang tao sa pamamagitan ng intriga na ang layunin ay siraan ang puri at reputasyon ng ibang tao.
Ito ay intriguing against honor dahil hindi alam ang pinagmulan ng intriga at hindi rin alam ang katotohanan nito at ipinagpatuloy pa rin ni Alfredong ipagsasabi sa iba.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended