Aksyon NGAYON - Abandoning a sinking ship
October 14, 2000 | 12:00am
SA susunod na ilang araw ay masusubukan ang katapatan ng mga kapartido ni Presidente Estrada gayundin ang miyembro ng kanyang gabinete.
Maitutulad sa isang Barkong lumulubog ang administrasyon at ang mga tripulanteng gustong iligtas ang buhay ay isa-isang magtatalunan upang iligtas ang kanilang sarili.
Si Vice President Gloria Macapagal-Arroyo ay nauna nang nagbitiw mula sa gabinete o sa posisyon niya bilang Social Welfare Secretary. Hindi naman siya kasapi ng LAMP na partidong pinamumunuan ng Pangulo.
Si Macapagal-Arroyo ay kasapi sa Lakas-NUCD at itinalaga lamang sa puwesto ng Pangulo upang ipakitang ang kanyang administrasyon ay administrasyon ng reconciliation o pagkakasundo.
Pero wasto ang ginawa ni Arroyo. Kung mag-resign si Estrada o kayay masibak sa pamamagitan ng impeachment, si Arroyo ang luluklok sa kapangyarihan.
Kung hindi siya kakalas sa gabinete ni Estrada, anong saysay na palitan niya ang Pangulo kung iisa ang kanilang kulay?
At hindi rin masisisi ang mga kapartido ng Pangulo na kumalas sa lapian. Political survival na ang pinag-uusapan.
At iyan nga ng ginawa nina Sen. Ramon Magsaysay Jr. at Parañaque Rep. Roilo Golez. Humiwalay na sila sa namumunong partido dahil sa seryosong akusasyong nagdadawit sa Pangulo sa jueteng na ibinulgar ni Ilocos Sur Gov. Luis Chavit Singson.
Ang ginawang resignation nina Arroyo, Magsaysay at Golez ay inaasahang magkakaroon ng snowballing effect. Sa susunod na mga araw ay posibleng marami pang ibang magsunuran sa kanilang yapak.
Pero sa ngayoy pakiramdaman muna ang nangyayari. Baka nga naman makahulagpos si Presidente Estrada sa problemang ito at mabaligtad ang situwasyon. Ngunit sa sandaling maramdaman nilang talagang tagilid na ang Pangulo, diyan masusubok ang kanilang katapatan. Magbibitiw ba sila o mananatili sa tabi ni Erap?
Iyan ang mga political opportunists. Hindi kapakanan ng bayan ang iniisip kundi sariling kaligtasan sa pulitika.
Sumasaludo tayo doon sa mga nauna nang nag-resign.
Ang krisis na dinaranas ng bansay hindi biro lalo na ang akusasyong ikinakapit sa umuugit ng bansa. Panahon na upang isaisantabi ang political affiliation kung kapakanan ng bansa ang nakataya.
Sabi nga Ones loyalty to his leader ends where his loyalty to his nation begins.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
December 26, 2024 - 12:00am