^

PSN Opinyon

Hatol ni APOSTOL - Nasusuka na sa graft and corruption

- ni Rep. Sergio A.F. Apostol -
ANG letter ay galing kay JOEL CHUA ng Dimasalang, Sampaloc, Manila.

Ako po ay empleyado sa isang ahensya ng gobyerno dito sa Maynila. May 12 taon na akong nagtatrabaho rito at hindi na bago sa akin ang mga lagay at suhol na dumadaan sa aming tanggapan. Noong una’y hindi ko ito pinapansin at kung minsa’y maging ako ay naaabutan na rin. Ngunit sa pagdaan ng panahon, nagiging talamak na ang mga pagtanggap ng aking mga ka-opisina, kadalasa’y harap-harapan na ang kanilang paghingi. Bilang isang empleyado ng pamahalaan, alam kong mali ang aming naging gawi. Sa ngayon gustuhin ko mang ibunyag ang anomalya sa aming tanggapan, hindi ko ito magawa. Natatakot akong mabalikan ang aking mga kasamahan. May garantiya bang kaya akong bigyang proteksyon kung nanaisin kong magsalita? Maaabsuwelto ba ako kung gagawin kong magsumbong? Sa anong ahensya ako dapat lumapit?


Sa ating Ombudsman Law o RA 6770, ang Ombudsman ay maaaring magbigay ng immunity sa kriminal na paglilitis sa isang tao na ang testimonya o ang posesyon at pagkakaroon ng mga dokumento o ibang ebidensya ay kinakailangan para malaman ang katotohanan sa isang paglilitis na isinasagawa ng Ombudsman. Ngunit ang immunity na ito ay hindi maaaring magamit sa isang pagsisinungaling (perjury o false testimony) o sa pagpapatanggal o demosyon sa trabaho.Ang opisina ng Ombudsman ay tumatanggap ng kahit na anong reklamo laban sa isang official act ng kawani/empleyado ng gobyerno "in whatever form", na ang ibig sabihin ay kahit ng isang kapirasong papel lamang na pinirmahan ng nagrereklamo.

BILANG

DIMASALANG

ISANG

MAAABSUWELTO

MAYNILA

NATATAKOT

NGUNIT

NOONG

OMBUDSMAN LAW

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with