Bakit nga ba sa kabila ng pagsulong ng agham at teknolohiya ay wala pa ring gamot sa cancer? Pagpapatunay kaya ito sa katotohanang ang tao na pinakamatalinong nilikha sa lupa ay hindi pa rin perpekto tulad ng Makapangyarihang Diyos na lumikha? Katotohanan ang nakasulat sa Holy Bible na with men it is impossible but not with God. Nothing is impossible to God.
Sa Panginoon utang ni Dr. Arturo Verzo Estuita ang kanyang tagumpay bilang cardiologist-internist-preventivist na ang pangalan ay iniuugnay sa chelation therapy, isang komprehensibo at makabagong prosesong panggagamot sa pagtanggal ng bara sa ugat ng walang operasyon. Ang chelation therapy ay nag-aalis ng mga toxic, mga chemical at mga elementong metal na nagpapahirap sa metabolismo ng tao. Ang chelation ay isinasagawa sa pagtusok ng munting karayom at dito’y dadaloy (parang dextrose) ang tinatawag na intravenous fluid chelation mixture carrying solution at ang proseso ay tumatagal mula dalawa hanggang apat na oras bawat session na nasa superbisyon ng medical professional.
Maraming karamdaman ang napagaling na ng natatanging paraan ni Dr. Estuita at aalamin natin ito sa mga susunod na labas ng Bantay Kapwa. Ang klinika ni Dr. Estuita ay nasa Unit 105 Taft Office Center Condominium 1986 Taft Ave. malapit sa Sen. Gil Puyat LRT, Pasay City. Telepono 551-0188, 831-6743 telefax 832-56-34