Hatol ni APOSTOL - Paano mamanahin?
October 11, 2000 | 12:00am
ANG letter ay galing kay Jose Glenn Gabrillo.
Ang problema po ay tungkol sa lupang mamanahin ng aking ama mula sa kanyang namayapang magulang. Apat po silang magkakapatid, ang isa ay patay na. Ang nakinabang sa lupa sa ngayon sa Cebu ay ang dalawa niyang nakakabatang kapatid. Dahil sa nasa Cabadbaran, Agusan del Norte na po nakatira ang aking ama mula ng binata pa siya hanggang sa mag-asawa kaya wala siyang panahon noon tungkol sa lupa na mana niya sa Cebu.
Ano po ba ang dapat naming gawin para makuha ang parte ng kanyang mana na lupa na sa ngayon ay nakapangalan ang titulo sa yumao niyang ama at ang iba ay nakapangalan naman sa ama ng kanilang ina? Tulungan mo kami sapagkat ito na lang ang natitirang pag-asa namin sa buhay para makaahon sa hirap.
Ang dapat gawin ng iyong ama ay kausapin nang maayos ang kanyang mga kapatid tungkol sa paghati-hati nila sa lupa. Kapag pumayag ang kanyang kapatid ay gagawa sila nang kasulatan tungkol sa kanilang paghahati-hatian. Ito ang tinatawag na ‘‘extrajudicial settlement.’’
Kapag hindi pumayag ang mga kapatid ng iyong ama, dito na siya magsasampa ng kasong partisyon sa Korte.
Ang mabuti ay mag-usap-usap muna ang mga magkakapatid sa maayos na paraan upang hindi na umabot pa sa Korte ang paghahati ng mga ari-arian.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended