^

PSN Opinyon

Hatol ni APOSTOL - Problema sa lupang hindi pag-aari

- ni Rep. Sergio A. F. Apostol -
ANG letter ay galing kay Cesar Montes ng Zambales.

Ano po ba ang dapat naming gawin sa lupang may tatlong ektarya na tinaniman namin ng 100 Indian mango, 200 Kasoy, 200 Kalamansi, 100 Langka at mga saging. Nanirahan po kami rito noong 1988. Masukal ito noon.

Noong nakaraang taon may naghahabol sa lupang ito at ipinakita ang TCT at declaration of real property. Sinaliksik ko po ito sa provincial assessor at nakita ko naman ang rekord. Balita ko, nakasangla ito sa DBP.

Ano po ba ang karapatan namin sa lupang ito kung itong lupang ito ay titulado?


Ang maaari mong gawin ay humingi ng reimbursement sa may-ari ng lupa sa iyong mga necessary expenses para sa pag-aalaga mo ng lupa dahil ikaw ay nakatira roon na alam mong hindi mo pag-aari.

Ikaw ang sinasabing builder, planter or sower in bad faith. Ayon sa batas ang builder, planter o sower in bad faith sa lupa nang iba ay puwedeng utusan na tanggalin ano man ang itinanim niya sa lupa na walang karapatang maningil ng indemnity o reimbursement.

Ngunit para sa pag-aaruga mo ng lupa ng may-ari ay puwede kang bayaran para sa mga necessary na ginastos mo para rito.

vuukle comment

ANO

AYON

CESAR MONTES

IKAW

KALAMANSI

KASOY

MASUKAL

NANIRAHAN

NGUNIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with