^

PSN Opinyon

Banat ni BATUIGAS - 'Baho' ni Erap baka ibulgar lahat ni Chavit

- Bening Batuigas -
WALANG magandang patutunguhan sa administrasyon ni President Estrada itong awayan nina Ilocos Sur Gov. Luis ‘‘Chavit’’ Singson at casino-buddy Charlie ‘‘Atong’’ Ang.

Kapag hindi nasawata ni Estrada itong dalawa niyang ‘‘bataan,’’ mangangahulugang wala rin siyang kakayahan na ang buong sambayanan, na hilong talilong sa kasalukuyan dahil sa sobrang mahal ng bilihin, ay mapag-isa niya. Alam naman ng lahat na ang away nina Singson at Ang ay nag-uugat sa milyun-milyong pera. Si Singson, ayon sa aking espiya, ang nagpapalaganap ng ilegal na jueteng sa Norte at ito namang si Ang ang nasa likod ng Bingo 2-Ball.

Isang malaking isyu ang tinuran ni Singson noong nakaraang araw na ang Malacañang ay nakikinabang sa jueteng. Kinumpirma lamang ni Singson ang matagal ng haka-haka na may mga opisyales nga sa gobyerno na malaki ang tinatanggap na salapi sa mga gambling lords. At kung ibubunyag nga ni Singson ang mga ebidensiya niya ukol sa disbursement ng pondo ng jueteng, maaari itong maging sanhi ng economic backlash at makadagdag pa sa pagpababa ng halaga ng piso laban sa dolyar.

Sa tingin ko, itong si Singson ay natalo sa power play laban kay Ang. Sinabi ng aking espiya na ginawa lahat ni Singson ang kanyang makakaya upang mapigilan ang operasyon ng Bingo 2-Ball. Subalit nabigo siya. At dahil dito, tumapang siya, humiwalay sa kampo ni Estrada at tahasan nang lumaban.

Maraming alam si Singson at kapag hindi pa gumalaw si Estrada para ito amuin baka dumating ito sa puntong lahat ng ‘‘baho’’ ay ibubulgar niya. Lalong babaho ang pangalan ni Estrada kapag nagkataon. Ang usap-usapan ngayon sa kalye ay kung milyones ang nakarating sa Malacañang sa jueteng, maaaring mas malaki pa ang kikitain ng mga opisyales doon sa larong Bingo 2-Ball dahil ipinagpalit nga ito roon. Sino naman ang papayag na mawawala ang milyones kung walang kapalit, aber? Dito sa isyung ito, sinisiguro kong mahihirapan ang mga media handlers ni Estrada na magsagawa ng damage control dito sa problema nina Singson at Ang. Dahil sa mata ng mahihirap o ’yaong masa sa ngayon, nagamit lamang sila para nga kumita ng malaki ang mga pulitikong kanilang sinuportahan.

Sinabi ng mga taong aking nakausap na magsilbing leksiyon sana itong away nina Singson at Ang sa liderato ni Estrada. Habang pakonti nang pakonti na lamang ang kanilang pambili ng pagkain araw-araw, lumilitaw naman na hindi totoo ang pangako ni Estrada sa kanila na sa ilalim ng kanyang liderato ay sila ang makikinabang.

ALAM

ATONG

ESTRADA

ILOCOS SUR GOV

MALACA

PRESIDENT ESTRADA

SI SINGSON

SINABI

SINGSON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with