Balitang SPECIAL - Laman ng tape na-wire tapped sa Malacañang, puro kabadingan ?

ALAM n’yo bang hindi naman pala threat sa national security ang mga nai-tape na conversation ng ilang opisyal sa Malacañang?

Ayon sa aking bubuwit, 80 days na lang at Pasko na naman.

Happy birthday muna sa mga sumusunod: Mrs. Tess Reyes, roommate ni AFP Chief of Staff Gen. Angelo Reyes; Bobby Fernandez, Marivic Ferrer ng MBC; at Nestor Martin ng DZMB.
* * *
Alam n’yo bang hindi naman banta sa seguridad ng bansa ang nai-wire tapped na usapan ng ilang opisyal sa Malacañang?

Ayon sa aking bubuwit, ang ilang tape na produkto ng wire tapping ng ilang tauhan ni Gen. Jose Calimlim ng ISAFP at Presidential Security Group (PSG) ay hawak ngayon ni Maj. Thomas Dumpit Jr. Ang mga ebidensiya ay nakatakdang isumite ni Dumpit sa Senate Blue Ribbon Committee upang maimbestigahan.

Ayon sa aking bubuwit, bagamat nagalit si President Estrada sa nasabing wire tapping, wala naman umanong nai-tape na sensitibong information.

Pero, nabahala rin si Erap, kaya ang ginawa ay kinausap ng one-on-one si Dumpit. Maraming ikinanta si Dumpit kay Erap laban kay Calimlim. Isa umano ito sa mga dahilan kaya binuwag ang Task Force Aduana ni Calimlim.

Kinausap ni Erap si Calimlim. Itinanong dito kung bakit niya ipina-wiretapped ang Palasyo. Ang sagot ni Calimlim ‘‘Sir, this was for your protection."

Ang sagot naman daw ni Erap. ‘‘Bakit hindi mo sinabi sa akin?’’ Hindi umano nakakibo si Calimlim.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, hindi naman masyadong sensitive ang mga usapan sa Malacañang na nai-tape ng ilang tauhan ng ISAFP at PSG. Ang mga laman pala ng mga tape na nakuha ni Dumpit ay usapang kabadingan. Nag-usap-usap ang ilang bading na opisyal sa Malacañang sa telepono.

Ang dialog daw ay ganito:

‘‘Oh ano, sasama ka ba sa gimmik natin mamayang gabi?’’

Sagot nu’ng nasa kabilang linya ay: ‘‘Hay, naku hindi ako p’wede mamaya, kasi masakit pa ang puwet ko.’’

Tinawagan naman ’yung isa pang miyembro ng federacion at ang sagot naman ay: ‘‘Day, di rin ako p’wede mamaya, sinumpong na naman ang almoranas ko.’’

Diyos ko ‘Day!

Sinu-sino ba ang mga bading sa Malacañang? Andiyan pa ba sila o wala na?

Sen. Nene Pimentel, P‘wede bang makahingi ng kopya ng mga tape para maiparinig ko sa aking programa sa DZRH ang kanilang mga conversation? Para mapakinggan din ng ating mga kababayan.

Ano gusto ba ninyong malaman kung sino ang mga bading na opisyal sa Malacañang na nai-bugged ng mga tauhan ni Calimlim?

Gusto n’yo talaga?

Kiss muna.

Show comments