^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Bansang pinaiikot ng mga sugarol

-
MABIGAT ang ibinulgar ni Ilocos Sur Gov. Luis "Chavit" Singson na nagbibigay siya kay President Estrada ng milyong piso mula sa jueteng. Ang makagagawa lamang ng ganitong pagbubulgar ay iyong may "balls". Kabilang si Singson sa "Midnight Cabinet" ni Estrada subalit nawasak dahil sa jueteng at Bingo 2-Ball. Ang Bingo 2-Ball ay inilunsad ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na galing sa ideya ni Charlie "Atong" Ang na kaibigan din ni Estrada.

Marami pa umanong ibubulgar si Singson sa Lunes. Sinabi pa nitong ilalaban niya hanggang kamatayan ang mga ibinulgar para malaman ng taumbayan ang nangyayaring corruption sa gobyerno. Ibubulgar umano niya ang mga nalalaman at sinabi ring madadawit ang pamilya ni Estrada sa gagawin niyang pagsisiwalat. Hindi lamang aniya sa jueteng ang mahahalukay kundi pati buhay ni Estrada.

Hindi na mahalaga kung ano ang ibubunyag niya tungkol sa iba pang pansariling buhay ni Estrada, ang mahalaga’y ang katotohanan ng milyong pisong ibinibigay niya sa Malacañang. Sinabi nitong nagbibigay siya sa Malacañang ng P33-milyon, kung minsa’y P32-milyon o kaya’y P29-milyon buwan-buwan. Nagsimula aniya siyang magbigay sa Malacañang noong August 1998, pag-upo ni Estrada sa puwesto.

Kung matapang si Singson, matindi rin ang alegasyon ni Senate Minority Leader Teofisto Guingona Jr. Inakusahan nito si Estrada na tumanggap ng P220-million jueteng money kay Singson mula November 1998 hanggang August ng kasalukuyang taon. Bukod dito sinabi rin ni Guingona na tumanggap si Estrada ng P70-million kay Singson bilang excise tax sa sigarilyo.

Sumingaw ang jueteng money makaraang mahuli sa isang traffic violations si Singson at sinabing hina-harass siya at gustong "itumba" ng mga nasa "itaas" dahil sa pagkontra niya sa Bingo 2-Ball operations sa kanyang probinsiya. Ang nakapagtataka’y, bakit ngayon lamang pumiyok si Singson gayong 1998 pa siya nagbibigay sa Malacañang.

Sinimulan ni Singson ang pagbubulgar at marami ang nag-aabang kung hanggang saan aabot ang kanyang tapang. Kung magbubunga at mapapatunayan ang kanyang ibinulgar, maaaring tawagin siyang "bayani" sapagkat matatalupan ang malalaking taong nakikinabang sa sugal na nagpapahirap naman sa taumbayan. Kung mangyayari’y baka mabawasan ang sugal sa bansang ito na inaasahan nang marami na hahango sa kanilang kahirapan – na isang malaking kamalian.

vuukle comment

ANG BINGO

ESTRADA

ILOCOS SUR GOV

MALACA

MIDNIGHT CABINET

PHILIPPINE AMUSEMENT AND GAMING CORPORATION

PRESIDENT ESTRADA

SENATE MINORITY LEADER TEOFISTO GUINGONA JR. INAKUSAHAN

SINGSON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with