^

PSN Opinyon

IKAW AT ANG BATAS - Ang paglaya ni Susan (Ika-16 sa serye)

- Jose C. Sison -
MAY mga taga-habla nang pumasok. Isang mag-asawa ay akay ang apat na taong gulang na batang babae. Hindi maitago ang himutok sa kanilang mukha. Mga kapitbahay sila ni Lolo. Sunod ay magkapatid na negosyante. Kasama ng mga ito ang de kampanilyang abogado. "With P500,000 ransom? Nothing short of the capital punishment!" Huli ay matandang relihiyosa na biktima ng mga batang kalye. Nababanaag sa hitsura nito ang panghihinayang sa dalawang bata. Ayaw namang sumulyap ng mga batang kriminal, hindi nila akalaing ang munting laro ay ganito ang kinahinatnan.

Dumating ang State Prosecutor. Sa tindig pa lamang ay umaani na ng respeto. Lalo na kung magsalita: tila lalamunin ng buhay ang katunggali. "Companyero, long time no see, may kaso ka bang hinahawakan dito?" ang bati sa abogado ng mga negosyante. Dili yata’t magka-klase sila sa law school. Sabay pumasok ang defense lawyer ng mga may kasong kidnap at ang Public Attorney’s Office. At ang mga diyaske, magkakakilala silang lahat. Mangyari ay nagkasama o nagkatunggali na sa ibang kaso at ito ay trabaho lang. Walang personalan. Masayang nagkukuwentuhan . . . "the grave error of that Supreme Court Justice is that he admitted the fact so soon. Sana, pinatapos na muna niya ang bar hysteria." Komentaryo ng de kampanilyang abogado. Di naman nagpatalo ang makakaharap sa korte. "No, Compañero, that is perfectly a gentleman’s act. Only, he was gobbled up by the press. Pinag-uusapan ang iskandalo sa bar image of our legal profession," Ang nalulungkot na konklusyon ng public prosecutor. Gustong humirit ng PAO lawyer ngunit walang masabi.

"Everybody stand. The Court is now in session. Honorable Judge Elena T. Alonzo presiding
," anunsiyo ng interpreter. Lahat ay tumayo. Katahimikan. Pumasok ang kagalang-galang na hukom. Lalong kagalang-galang ngayon. Bago ang kanyang hairdo, nagpakulot at itim na itim, bagay na bagay sa itim na roba. Walang mag-aakalang 58 anyos na ito, ang kolerete sa mukha’y natural. "Tok", ang palo sa malyete. "Be seated".

Kinabahan si Susan. Bakit wala pa ang atorni niya? Sa orasan ay mag-aalas-10 na. "Pero natawagan ko naman siya kahapon sa telepono at nangakong darating. Diyos ko po, ano kaya ang nangyari sa kanya? Pero hindi dapat mabahala. Ang pagkabahala ay insulto sa Diyos." (Itutuloy)

vuukle comment

ALONZO

DIYOS

HONORABLE JUDGE ELENA T

PERO

PUBLIC ATTORNEY

STATE PROSECUTOR

SUPREME COURT JUSTICE

WALANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with