Aksyon NGAYON - Ransom kotong, jueteng payola
October 7, 2000 | 12:00am
KUNG matatandaan ninyo, hindi pa man sumusulpot ang eskandalo hinggil sa umanoy parte na tinatanggap ni Robert Aventajado sa ransom na ibinabayad sa Abu Sayyaf, naisulat na natin ito sa ating kolum.
Si Aventajado na siyang punong negosyador ng pamahalaan para sa pagpapalaya ng mga kinidnap na hostages ng Abu Sayyaf ay nagde-demand daw ng 20 porsyentong consultancy fee mula sa milyun-milyong dolyar na ibinabayad sa Abu Sayyaf.
Sa aking pagkakatanda, ako ang unang nangahas na ilathala ang ganitong ulat na nasagap natin mula sa isang mapananaligang source na naka-base sa Sulu.
Agad naman tayong tinawagan sa telepono ni Aventajado upang pabulaanan ang alegasyon. Palibhasay sa munting kolum lang natin lumabas ang istoryang itoy hindi lubhang nakatawag ng pansin. Hanggang sa gumawa ng pagbubulgar ang isang miyembro ng Jesus Miracle Crusade na kasama ni Wilde Almeda at 10 iba pa na binihag ng Abu Sayyaf.
Si Kumander Robot daw umano ang nagsabi kay Alvin Flores, isa sa mga prayer warriors ni Almeda, na mas malaki pa ang parte ni Aventajado sa ransom kaysa tinatanggap ng bandidong grupo.
At gaya nang ginawa niya sa akin, agad nagpabulaan si Aventajado sa mga alegasyon laban sa kanya.
Hindi tayo maghuhusga kay Aventajado dahil hindi naman tayo eyewitness para sabihin nang may katiyakan na nagkasala siya.
Pero dapat dumaan sa due process ang usapin upang patunayan o pasinungalingan ang mga paratang kay Aventajado na hindi lamang blackeye sa kanya kundi sa buong administrasyong Estrada.
Sumabay pa sa seryosong usaping ito ang pagbubunyag ni Ilocos Sur Governor Luis Chavit Singson na ang mga matataas na opisyal ng pamahalaan, kasama na ang Presidente ay tumatanggap ng milyun-milyong pisong komisyon o payola mula sa operasyon ng jueteng.
Nawiwindang ang kredibilidad ng gobyerno at lalong nawawalan ng lakas upang pamahalaan ang mga krisis na nagaganap sa bansa.
Kung walang mga indipindiyenteng lupon na makagagawa ng imbestigasyon sa dalawang usaping ito, tama lang na mag-initiate ng pagsisiyasat ang Kongreso. Isang pagsisiyasat na walang pagtatakip upang mailantad kahit sino pa ang nagkasala. Kung hindi ito mangyayari, tuluyan nang mawawala ang pagtitiwala ng taumbayan sa gobyernong ito.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 29, 2024 - 12:00am