^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Anak ng jueteng

-
NAKAKALADKAD ang pangalan ni President Estrada dahil sa jueteng na kinasasangkutan ng kanyang mga "matatalik" na kaibigan. Hindi pa niya nareresolba ang problema sa Abu Sayyaf, pagbaba ng halaga ng piso at iba pang problemang dulot ng pagtaas ng langis ngayo’y ang jueteng naman ang bumabarena sa kanyang utak. Ibinulgar ni Ilocos Sur Gov. Luis "Chavit" Singson, drinking buddy ni Estrada na tumatanggap ang Malacañang ng milyong piso mula sa jueteng. Sinabi naman ni Estrada na pawang hallucinations ang mga sinabi ni Singson.

Sumingaw ang tungkol sa jueteng nang hulihin si Singson sa isang traffic violations at paggamit ng blinker noong Martes ng gabi sa kanto ng T.M. Kalaw St. at Taft Avenue sa Maynila. Nagalit si Singson sa paghuli sa kanya at sinabi nitong hina-harass siya dahil sa pagkontra niya sa Bingo 2-Ball operations sa kanyang probinsiya. Ang nasa likod aniya ng harassment ay si Charlie "Atong" Ang, matalik ding kaibigan ni Estrada at consultant ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR). Ang Bingo 2-Ball ang bagong sugal na inilunsad ng PAGCOR para "patayin" ang jueteng.

Matindi ang akusasyon ni Singson na pati pamilya ni Estrada ay idinadawit nito sa gambling operation. Sa radio interview kahapon, may tinig ng pagbabanta si Singson na ibubulgar pa niya ang lahat ng kanyang nalalaman sa jueteng. Ang pagbubunyag ni Singson ay lalo lamang naglantad sa katalamakan ng sugal na ito na pinagkakakitaan nang malaking pera ng mga matataas na opisyal ng pamahalaan. Kumikita ang mga congressmen, governor, mayor at police officials sa operasyon ng jueteng. Kung may katotohanan ang ibinunyag ni Singson, malaki itong kasiraan sa Estrada administration. Lalo pa nga’t nagkaroon ng utos si PNP chief Director Panfilo Lacson na dakpin ang mga bigtime gambling operators sa bansa na pinangungunahan ni Bong Pineda. Nakapagtatakang biglang nawala ang tapang ni Lacson dito. Minsan nama’y nakipagpulong pa si Executive Secretary Ronaldo Zamora sa mga bigtime jueteng operators.

Hindi mapapatay ng Bingo 2-Ball ang jueteng at ang mangyayari’y lalo pa itong lalakas. Tutol si Singson sa Bingo 2-Ball ng PAGCOR at hindi mahirap kung mag-operate siya ng jueteng. Ganito rin ang mangyayari sa iba pang lugar. Habang may ginaganap na Bingo 2-Ball sa mga plaza, palihim namang may nagbobola ng jueteng. Ang mangyayari’y dalawa ang sugal na magpapahirap sa kapus-palad na mga mahihirap. Wala kasing maisip na ibang paraan ang pamahalaan na pagkunan ng ikabubuhay. Nakadepende lagi sa sugal ang lahat. Anak ng jueteng naman!

ABU SAYYAF

ANG BINGO

BONG PINEDA

DIRECTOR PANFILO LACSON

EXECUTIVE SECRETARY RONALDO ZAMORA

ILOCOS SUR GOV

JUETENG

SINGSON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with