^

PSN Opinyon

Hatol ni APOSTOL - Natinik ng pako sa palengke

- ni Rep. Sergio A. F. Apostol -
ANG letter ay galing kay Chad Ruiz ng Cavite City.

Ang akin pong pamangkin ay nagpunta sa palengke upang bumili ng aming makakain. Kasagsagan ng bagyo noon. Hanggang hita ang tubig sa loob ng palengke. Sa paglakad, napako ang aking pamangkin.

Nagbabalak po ang tatay ng aking pamangkin na magdemanda laban sa munisipyo ng Cavite sa kapabayaan nito.

Maaari po ba iyon? Ano po bang kaso ang maaari niyang isampa?


Maaari kang magsampa ng kaso laban sa municipal government kung saan nangyari ang aksidente. Sa kapabayaan nito sa control at supervision, maaari kang makakuha ng danyos perwisyos (damages).

Ayon sa Art. 2189 ng Batas Sibil "ang probinsya, lungsod, munisipyo ay magbabayad ng danyos para sa kamatayan o pinsala ng isang tao dahil sa depektadong kondisyon ng kalsada, tulay, gusali o ibang public works na nasa kontrol at superbisyon nito."

Ang public market ay nasa kontrol at superbisyon ng municipal government.

ANO

AYON

BATAS SIBIL

CAVITE

CAVITE CITY

CHAD RUIZ

HANGGANG

KASAGSAGAN

MAAARI

NAGBABALAK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with