^

PSN Opinyon

Banat ni BATUIGAS - Lacson vs Reyes: Sino ang mananalo ?

- Bening Batuigas -
MUKHANG malalim ang away nina Armed Forces Chief Gen. Angelo Reyes at Philippine National Police (PNP) chief Director General Panfilo Lacson. Sinabi ng aking espiya na kaya pala nagbabangayan sina Reyes at Lacson ay dahil sa puwesto ni Defense Secretary Orly Mercado. Matapos kasing matantiya ni Mercado na walang patutunguhan ang kanyang ambisyon na tumakbo sa pagka-presidente, ay magre-resign siya sa puwesto sa darating na mga araw. Ang inirerekomenda umano niyang pumalit sa puwesto ay si Reyes. Magreretiro na si Reyes sa serbisyo sa darating na Marso, ito ay kung hindi i-extend ni Erap ang kanyang panunungkulan. Kapag nangyari iyon anang aking espiya, si Lt. Gen. Jose Calimlim, ang deputy chief ng AFP at commander ng ISAFP ang napipisil naman ni Reyes na pumalit sa kanya. Hindi lingid sa kaalaman ng karamihan na itong si Calimlim at Lacson ay may hidwaan.

Itong si Lacson naman ay inaasinta rin ang puwesto ni Mercado. Dahil sa tingin niya at ng kanyang mga handlers, itong puwesto ni Mercado ay makakatulong nang malaki para maisulong nga ang ambisyon niyang pulitikal sa darating na panahon. Maliban sa defense department, mayroon pang isang opisina si Mercado, ’yan ay ang National Disaster Coordinating Council (NDCC). Ang NDCC ang namamahala sa mga lugar na tinamaan ng calamity tulad ng bagyo, lindol, malakihang sunog at iba pa.

Ayon sa aking espiya, gusto ni Lacson ang puwesto dahil gagamitin niya ang pondo ng NDCC para nga maikot niya ang buong kapuluan ng libre at nang sa gayon ay makilala siya ng mamamayan lalo na ’yong mga biktima ng kalamidad. May punto ang espiya ko ano? At hindi lang ’yan. Maging ang buong puwersa ng militar ay mapasasailalim din ni Lacson kaya’t kung ano man ang kanyang gugustuhin para maisulong ang kanyang ambisyong pulitikal ay magagawa niya. Tama rin siya dito ano?

Sa hirap ng buhay ngayon na ang mga mahihirap ay lalong naghihirap, ang katwiran ni Lacson para maitalaga siya ni Erap sa puwesto ni Mercado, ay kailangang makontrol nila ang AFP dahil ’yan lamang ang puwersa na may kayang magsagawa o magsimula ng kaguluhan. Ang balita ko nag-sorry si Lacson kay Reyes dahil sa mga tinuran niya ukol sa military operations laban sa Abu Sayyaf. Eh, kahit mag-sorry pa siya nandoon na ang damage at nagmukhang ‘‘pogi’’ na naman siya sa kanyang tinuran. Ang ibig kung sabihin, naging kontrobersyal na naman si Lacson at tagumpay ang plano nila na siya ay mapag-usapan. Hindi lang ’yan. Nagmukhang kawawa si Reyes dahil sa hindi niya pagsagot sa isyu kahit na pinipilit na siya ng ilang junior officers ng militar na sumagot.

Pero maaaring magkaroon din ng puntos si Reyes dito dahil sa napatunayan na isa siyang ‘‘officer and a gentleman.’’ Kung sino ang mananalo sa hidwaang ito nina Reyes at Lacson ay malalaman din natin sa darating na rigodon sa Gabinete ni Erap. Puwedeng magpustahan dito ang mga sugarol.

ABU SAYYAF

ANGELO REYES

ARMED FORCES CHIEF GEN

DAHIL

DEFENSE SECRETARY ORLY MERCADO

ERAP

LACSON

MERCADO

REYES

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with