Richard, sinamahan ang anak sa UN

Ang bongga naman ni Richard Gutierrez na kasama ng panganay niyang si Zion na namamasyal sa New York City.
Proud daddy ang ex-hubby ni Sarah Lahbati sa anak sa ginawa raw nito kasama ang Philippine delegates para sa United Nations.
Hindi nga pinalampas ni Richard ang kaganapan sa panganay nila ni Sarah na sa murang edad ay napabilang na ito sa representative roon.
At nakikita na raw niya ang paglaki ni Zion na ‘fine young man.’
Lutang din ang kaguwapuhan nito na malaki ang pagkakahawig sa mommy niya.
Pero ang bongga na kasama diumano si Barbie Imperial, na rumored girlfriend ng aktor, sa New York.
Base sa post nito ay naroon din ito ilang araw ang nakalipas.
Kaya malamang siya ang kumuha ng mga litrato ng mag-ama.
Well, wala naman na silang dapat itago noh. Ilang beses na rin naman silang nakitang magkasama.
At ayon nga sa aktor ay ‘what you see is what you get’ ang peg nila.
Kaya huwag na nilang hanapin si Sarah sa lakad ng mag-ama. ‘Kaloka.
Mga artista, ‘di na masyadong pinag-iinteresan?!
Natawa rin ako sa mga nangyayari ngayon sa showbiz na para bang konti na lang ang stars kaya hindi na masyadong excited ang fans.
Kailangan na naman nating ibalik ang interes ng fans sa mga artista natin. Para bang ‘yung iba hindi na kilala ang local stars natin dahil nga sa rami ng ibang distractions.
Siguro rin kasi epekto talaga ito ng social media na ang mga artista, kanya-kanyang eksena na kasi.
- Latest