Nuggets tumiklop sa Lakers
LOS ANGELES — Kumolekta si Luka Doncic ng 31 points, 9 rebounds at 7 assists sa 120-108 paggupo ng Lakers sa Denver Nuggets.
Tumipa si Austin Reaves ng 22 points para sa pang-siyam na sunod na home game win ng Los Angeles (43-25) at ikatlo sa kabuuan.
Hindi naglaro sina injured starters LeBron James (hamstring) at Rui Hachimura (knee)
Umiskor si Aaron Gordon ng 26 points para sa Denver (44-26) na naglaro na wala sina injured stars Nikola Jokic (elbow) at Jamal Murray (ankle).
Bumira si Doncic ng 21 points sa season-high 46 points ng Lakers sa first quarter at nagposte ng isang 28-point lead papasok sa fourth period patungo sa panalo sa Nuggets.
Sa Oklahoma City, nagtala si Jaylin Williams ng career-high 19 points, 17 rebounds at 11 assists para sa kanyang ikalawang career triple-double sa 133-100 pagmasaker ng Thunder (57-12) sa Philadelphia 76ers (23-46) at angkinin ang Northwest Division title.
Sa Phoenix, humataw si Devin Booker ng 41 points sa 127-121 pagtusta ng Suns (33-37) sa Chicago Bulls (29-40).
Sa Sacramento, bumira si DeMar DeRozan ng 27 points sa 123-119 paglusot ng Kings (35-33) sa Cleveland Cavaliers (56-13).
Sa Miami, isinalpak ni Cade Cunningham ang isang tres sa huling segundo sa 116-113 pagtakas ng Detroit Pistons (39-31) sa Heat (29-40).
- Latest