Hiyasmin (227)
“Tuwing umaga pagbangon ko ay nakakaramdam ako ng pagduduwal at nahihilo. Tinatamad din akong bumangon. Halos tuwing umaga ay ganun ang nararamdaman ko.
“At ang isang pinagtaka ko pa, hindi pa ko nagkakaregla. Regular ang dating ng menstruation ko pero noon ay wala pa. Hanggang sa hindi na nga nagkaregla at malakas ang kutob ko na buntis ako. Ang mga palatandaan ay naroon na lahat kaya sigurado akong nagbunga na ang pagtatalik namin ni Rashid.
“Maraming beses kaming nagtalik kaya sure na akong buntis. Naisip ko, kailangang malaman ni Rashid ang kalagayan ko. Hindi ko dapat sarilinin ang problema dahil pareho naming ginawa ito.
“Nang mapag-isa kami ni Rashid, sinabi ko sa kanya na buntis ako. Napamulagat siya na para bang hindi inaasahan ang sinabi ko. Palibhasa siguro ay noon lamang nakarinig na buntis ang babae, kaya parang natulala. Nang tanungin ko kung ano ang gagawin namin ay hindi agad nakasagot.
“Nang muli kong tanungin, sinabi sa akin na huwag akong mag-worry. Naghiwalay kami na walang malinaw na gagawin sa kalagayan ko.
“Hanggang sa napansin ko na iniiwasan na ako ni Rashid. Hanggang sa hindi ko na siya nakikita sa bahay. Nalaman ko, nasa bahay daw ng kamag-anak.
“Hindi ko malaman ang gagawin ng mga panahong ‘yun. Kapag hindi ako nakagawa ng paraan, lolobo ang aking tiyan at malaking problema ang haharapin ko.’’
(Itutuloy)
- Latest