^

Probinsiya

P1 milyong shabu samsam sa Maguindanao

John Unson - Pilipino Star Ngayon
P1 milyong shabu samsam sa Maguindanao
Naka-detine na ang suspect na kinilalang si Montasser Abas Amat, 45-anyos, at residente rin sa barangay kung saan siya nalambat ng mga operatiba ng Sultan Kudarat Municipal Police Station na pinamumunuan ng acting chief Lt. Col. Esmael Madin, at ng mga kasapi ng Datu Odin Sinsuat Police.
File

COTABATO CITY, Philippines — Arestado ang isang drug dealer matapos na mabilhan ng mga pulis ng may 150 gramong shabu na nasa P1-milyong halaga sa Barangay Makir sa Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao del Norte nitong Huwebes ng hapon.

Naka-detine na ang suspect na kinilalang si Montasser Abas Amat, 45-anyos, at residente rin sa barangay kung saan siya nalambat ng mga operatiba ng Sultan Kudarat Municipal Police Station na pinamumunuan ng acting chief Lt. Col. Esmael Madin, at ng mga kasapi ng Datu Odin Sinsuat Police.

Sa magkahiwalay na ulat ng Maguindanao del Norte Provincial Police Office at ni Brig. Gen. Romeo Juan Macapaz, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, unang isasagawa sana nila Madin at mga tauhan ang entrapment operation sa Barangay Kabuntalan sa Sultan Kudarat, ngunit nailipat ito sa Barangay Makir sa Datu Odin Sinsuat sa kahilingan mismo ni Amat.

Hindi na pumalag si Amat ng arestuhin ng mga pulis na kanyang nabentahan ng 150 gramo ng shabu, nagkakahalaga ng P1 milyon, na gagamiting ebidensya sa pagsampa ng kaukulang kaso laban sa kanya na ngayon nasa kustodiya na ng pulisya.

DRUGS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->