PLDT preparado sa pagharap sa Akari
MANILA, Philippines — Magpapalakas ng kanilang kampanya ang tatlong koponan sa pagbabalik ng 2024-25 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference sa PhilSports Arena sa Pasig City.
Papagitna ang Farm Fresh at Nxled ngayong ala-1:30 ng hapon na susundan ng bakbakan ng Choco Mucho at ZUS Coffee sa alas-4 ng hapon.
Magtutuos sa alas-6:30 ng gabi ang PLDT Home Fibr at Akari para kumpletuhin ang triple-header ng torneo na huling naglaro noong Disyembre 14 kasunod ang mahabang break.
Kagaya ng iba pang koponan, tuluy-tuloy rin ang naging ensayo ng High Speed Hitters (3-2) para paghandaan ang Chargers (3-3).
“We continued with individual workouts during the holiday break, and then resumed our normal routine when we came back — focusing on conditioning and court work,” sabi ni PLDT coach Rald Ricafort.
Minalas ang tropa ni Ricafort sa kanilang huling dalawang laro laban sa Chery Tiggo (4-2) at Petro Gazz (5-1).
Umiskor naman ng panalo ang Akari laban sa Crossovers bago ang holiday break.
“Of course, we’ve had some breaks along the way, and it’s unrealistic to expect significant changes in such a short period. But I’m hopeful we can continue to progress as we approach the quarterfinals,” ani Japanese mentor T aka Minowa.
Muling babanderahan ni Fil-Canadian Savi Davison ang High Speed Hitters kasama sina Erika Santos, Fiola Ceballos, Majoy Baron, Mika Reyes, Kiesha Bedonia at Kath Arado.
Hindi pa maglalaro sina Kianna Dy at Kim Fajardo.
Sina Ivy Lacsina, Faith Nisperos, Grethcel Soltones at Camille Victoria ang gigiya sa Chargers.
- Latest