^

Bansa

Duterte tatayong abogado ni VP Sara sa impeachment

Ludy Bermudo, Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Duterte tatayong abogado ni VP Sara sa impeachment
Former president Rodrigo Duterte on October 28, 2024.
STAR/Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Magsisilbing ­abogado ni Vice President Sara Duterte ang kanyang ama na si ­dating Pangulong Rodrigo Duterte sa mga impeachment case na isasampa laban sa kanya.

Ayon kay VP Sara, nagboluntaryong ma­ging legal counsel ang kanyang ama sa mga kasong kinakaharap kabilang ang impeachment complaints.

Sinabi ng Bise na binanggit sa kanya ito ng dating pangulo sa kanilang Noche Buena.

Nahaharap si VP Sara sa tatlong impeachment complaint kabilang ang sinampa ng Catholic priests, religious groups, at ilang mga abogado.

Binigyan diin ni VP Sara na ang alok ng dating pangulo sa Bise Presidente ay kasunod ng pagtanggi nito sa financial support.

Sa noche buena ng pamilya Duterte, sinabi niya na nag-aalala ang kanyang ama at nagtanong tungkol sa kalagayan ng kanyang impeachment.

Tinanggihan umano ni Sara ang alok ng ama sa suportang pinansiyal kaya nag-alok na lang sa anak na siya na ang mag-aabugado sa mga kinakaharap na reklamo.

“Sabi niya na, since hindi ko tatanggapin ‘yung pera, mag-lawyer siya para sa akin. So sinabi niya, he will be a collaborating counsel for all cases,” ani VP Sara.

Ani VP Sara, isa ang dating Pangulong Duterte na hahawak sa kanyang mga kaso at sa ngayon ay pinag-aaralan na ang kaso sa IBP.

Dagdag pa ni VP Sara, hinihintay na lamang nila ang articles of impeachment mula sa House of Representatives.

“Gumawa kami ng mga inventory of cases base sa mga nabasa namin sa media based on interviews sa agencies of government, House of Representatives, Department of Justice, NBI, and PNP. And then each case may assigned lawyer to handle the case,” dagdag pa ng Bise Presidente.

Nanindigan si Sara na wala siyang nilabag na batas.

Nitong Miyerkules ng hapon, ang mag-amang Duterte ay namahagi ng mga regalo na tradisyunal na umanong ginagawa ng pamilya sa Bangkal, Davao City na may temang “Pahalipay sa Pasko”, kung saan may pa-raffle pa sa libong residente.

RODRIGO DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with