All-Star Friendship Games inilunsad
MANILA, Philippines — Ang pagkakaroon ng isang national inter-tertiary tournament ang itinutulak ni Fr. Vic Calvo ng Letran College.
Ito ay matapos ang paglulunsad sa All-Star Basketball Friendship Games na inorganisa ng Commission on Higher Education para sa mga state universities, LGU-owned squads at private institutions.
“We need to have a national inter-tertiary tournament,” wika ni Calvo sa press luncheon ng torneo sa CHED Auditorium sa Diliman, Quezon City.
Gusto ni Fr. Calvo na makakita ng isang seasonal event kagaya ng National Inter-Collegiate Tournament at Philippine Collegiate Champions League para mabigyan ang UAAP at NCAA teams ng platform at masukatan ang ibang liga.
“I would like to thank CHED for being able to organize a league such as this one,” ani veteran FIBA-accredited international referee Anthony Sulit. “Meet ito ng mga malalakas na associations mula sa iba’t-ibang eskuwelahan. Hopefully, this is going to be a yearly engagement.”
Ang torneo ay magsisilbing in-between league para sa mga high school at amateur players.
“Look at high school. Mayroon silang Palarong Pambansa. Ang wala sa college ‘yung parang katulad ng Palarong Pambansa. Wala kang nakikitang national meet na tertiary,” dagdag ni Sulit.
- Latest