^

Punto Mo

EDITORYAL - LGUs, alerto sa POGOs na nagpapalit ng kulay

Pang-masa
EDITORYAL - LGUs, alerto sa POGOs na nagpapalit ng kulay

PAGPASOK ng 2025, wala na kahit isang Philip­pine Offshore Gaming Operators (POGOs). Burado­ na ang mga ito. Unang inihayag ni Marcos ang pag­babawal sa POGO sa kanyang ikatlong  State of the Nation Address (SONA) noong Hulyo. Ayon kay Marcos, kailangan nang itigil ang panggugulo ng POGO sa ating lipunan at paglalapastangan sa bansa. Inatasan niya ang PNP at PAGCOR na ipatupad ang pagbabawal sa POGO.

Noong Nobyembre 5, nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang Executive Order No. 74 na nagbabawal sa lahat ng POGO. Bukod sa pagbabawal, nakasaad din na hindi papayagan ng Philippine Amuse­ment and Gaming Corporation (PAGCOR) na aprubahan ang mga bagong lisensiya at hindi na rin papayagan ang renewal ng lisensiya. Pinal na ang paghinto ng POGO sa katapusan ng Disyembre 2024.

Subalit tila masasayang ang pagsisikap ng pamahalaan na lubusang maipahinto ang POGOs sapagkat kakaibang taktika ang ginagawa ng mga operators nito. Nagpapanggap na mga restaurant at resort ang mga POGO. Ginagawang front ang mga nabanggit para magtuluy-tuloy ang kanilang illegal na negosyo. At pawang sa probinsiya umano nagsisilipat ang mga POGO na nagkukunwaring resort at restaurant.

Ang taktikang ito ay siniwalat mismo ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla. Sabi niya, maraming POGO ang nag-aaplay bilang resorts at restaurants. Gina­wang­ halimbawa ni Remulla ang ni-raid na POGO sa Lapu-Lapu City na ang front ay hotel at restaurant. Ayon pa sa DILG Sec. mula Porac, Pampanga ay nag­liparan ang POGO sa Lapu-Lapu.

Maaaring hindi lamang sa Lapu-Lapu ginagawa ang pagpapanggap ng POGO kundi sa maraming bahagi ng bansa. Baka sa mga pinakamalayong lugar sa bansa ay mayroon na silang POGO na nag-aanyong resort. Mahusay magpalit ng kulay ang mga ito na talo pa ang hunyango.

Bigyang babala ni Remulla ang mga local govern­ment units (LGUs) na maging mapagbantay sa mga POGO na magpapalit ng kulay. Kapag naging mahina ang pang-amoy ng mayor, tiyak na sa isang iglap, nakapasok na ang POGO sa kanyang bayan at sisi­rain. Maging alerto ang mga mayor sa mga mag-aaplay ng business permit at baka POGO ang mga ito. Puksain ang mga ito.

POGO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with