^

PSN Palaro

Gazz Angels hiniya ang Foxies sa Cardon City

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Gazz Angels hiniya ang Foxies sa Cardon City
Binanderahan ni Fil-Am Brooke Van Sickle ang opensa ng Petro Gazz katuwang si Myla Pablo na sumalo sa naiwang trabaho ni injured Jonah Sabete.

MANILA, Philippines — Hinataw ng Petro Gazz ang kanilang ika-2 panalo matapos hiyain ang Farm Fresh, 25-21,25-17, 25-9 sa unang out-of-town ng  Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Confe­rence kahapon sa  Cardon Arena sa Candon City.

Binanderahan ni Fil-Am Brooke Van Sickle ang opensa ng Petro Gazz katuwang si Myla Pablo na sumalo sa naiwang trabaho ni injured Jonah Sabete.

Ito naman ang ikatlong pagkakataon na hindi naglaro si Fil-Am middle blocker MJ Phillips dahil sa kanyang left foot injury.

Pumalo si Van Sickle ng 20 points mula sa 19 attacks at isang service ace habang nagdagdag si Pablo ng 11 markers at may 10 points si Aiza Pontillas para sa 2-1 record ng Gazz Angels.

“We just worked on our good defense. And we never let it go until the end,” ani Van Sickle.

Pinamunuan ni Trisha Tubu ang Farm Fresh sa kanyang 14 points.

Laglag ang Foxies sa 0-2 baraha.

Sa kabila ng hindi pag­lalaro nina injured Jonah Sabete at MJ Phillips ay nagawa pa ring manalo  ng Petro Gazz na nagmula sa straight set loss sa nagdedepensang Creamline noong Nobyembre 16.

SPORTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with