SC hinarang lipat-pondo ng PhilHealth
MANILA, Philippines — Naglabas ng temporary restraining order kahapon (TRO) ang Korte Suprema laban sa karagdagan pang paglilipat ng P89.90 bilyon pondo ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa National Treasury.
Sinabi ni Supreme Court spokesperson Atty. Camille Ting, na pinagbigyan ng Mataas na Hukuman ang kahilingan sa tatlong petisyon na inihain ng 1Sambayan, Sen. Aquilino “Koko” Pimentel, at ng Bayan Muna.
Nakasaad sa TRO ang “effective immediately” na nag-uutos na hindi na masundan pa ang paglilipat ng pondo.
Ipinaliwanag ni Ting na saklaw lamang ng TRO ang pagpigil sa paglilipat ng pondo ng PhilHealth na hindi pa naililipat, subalit ang nauna nang nailipat sa National Treasury ay hindi naman ipinababalik sa PhilHealth.
Bago ang pagpapalabas ng TRO, ang PhilHealth ay nagsagawa ng tatlo sa apat na nakatakdang paglilipat sa National Treasury.
- Latest