4.5 milyong pasahero dadagsa sa mga bus terminals, airports at seaports ngayong Undas
MANILA, Philippines — Inihayag ni Transportation Secretary Jaime Bautista na inaasahang aabot sa 4.5 milyong pasahero ang dadagsa sa mga bus terminals, airports at seaport ngayong panahon ng Undas.
Sinabi ni Bautista na nasa 3 milyong pasahero ang dadagsa sa airports at seaports habang nasa 1.5 milyon naman ang dadagsa sa mga bus terminals.
Ayon pa kay Bautista, mas mataas ito ng 20 hanggang 30 porsyento sa karaniwang bilang ng mga pasahero kada araw.
Kasabay nito, pinapayuhan ni Bautista ang mga bus operators na iwasan na munang ibiyahe ang mga bus patungo sa Bicol region dahil nasa 30 kilometro na ang haba ng pila ng mga sasakyan sa Matnog, Sorsogon.
Sa ngayon aniya, may ilang pantalan ang nasira dahil sa bagyong Kristine pero operational naman ang mga ito. Nasa P100 hanggang P110 milyong halaga ang nasirang pantalan.
- Latest