Moro leader on Terror Bill: 'Hindi pa ba tayo natuto?'
From interviews of 214 captured Abu Sayyaf terrorists in Basilan last year emerged curious stats. Only seven percent of them kidnap and kill for ideology; most just need a living. Deputy Speaker Mujiv Hataman cited the figures in hasty House hearings on the Anti-Terror Bill. They jibed with his findings as governor once of the Bangsamoro Region, he told Sapol radio show Saturday.
Having been bombed and an aide beheaded, Hataman abhors violent extremism. He knows too why victims of oppression take up arms after futile search for redress. Bringing jobs, education, effective local governance to the Moro hinterlands -- not more abuses -- can avert mujahedin recruitment. But best to hear those from generals with whom he has worked: Rolando Bautista, Carlito Galvez, Noel de los Reyes, Juvymax Uy, Fernando Reyeg, Cirilito Sobejana, among others. He requested that they be invited to the committee hearings, but never were. Hence, his no vote last week to the bill, excerpted here:
"May nagsasabi: Wala daw dapat ikakaba ang mga hindi terorista. Tanging terorista o supporter nila ang apektado nitong batas.
"Linawin ko lang po: Wala pa ito sa uso lumalaban na tayo sa terorismo. Mismong komunidad na pinaka-malapit sa akin ang pinaka-nagdurusa dahil dito. Matagal ko nang misyon sa buhay na tuldukan ang salot ng terorismo. Maraming terorista na itinuring akong kaaway. Pero sa mga probisyong nabasa ko, nangamba ako.
"Magkakasundo siguro lahat ng kasapi ng Kamara: Ang batas inaakda para sundin ng lahat, para ipatupad nang patas, para sumalamin sa pagkakapantay-pantay ng mamamayan.
"Hindi puwedeng malabnaw ang probisyon ng batas. Ayaw natin ito maging open to misinterpretation. Ayaw natin ipatupad siya sa iba’t-ibang paraan, depende sa huwisyo ng nagpapatupad, sa pulitika niya, o sa ganda ng gising niya sa araw na iyon. Ayaw natin maabuso ang batas.
"Kadalasan karaniwang tao ang nakakaramdam ng 'terror', kadalasan, galing sa nasa poder, kadalasan habang nagkukubli sa mga konsepto ng kaayusan.
"Terror ang naramdaman ng napakaraming salinlahi ng Moro habang pinalilisan sila ng tahanan, habang tinutugis ng bala at bomba sa isang digmaang di nila ginusto. Terror ang nararamdaman ng dalagang Moro tuwing babastusin siya dahil lang nakasuot ng hijab; terror ang nararamdaman ng binatang Moro tuwing ibu-bully dahil humaharap siya sa Mecca ilang beses isang araw para manalangin. Terror ang patuloy nararamdaman ng bawat Muslim tuwing pipigilin siya sa mga checkpoint at aarestuhin dahil lang may kahawig na pangalan, o dahil sa kanyang hitsura, pananamit o pananalita.
"Mas pinahalagahan ng panukala ang pagpapalawak ng saklaw ng kung sino ang ituturing na terorista, kaysa sa pagtiyak at paghuli sa totoong terorista.
"Ilalagay nito sa kamay ng isang Anti-Terrorism Council ang kapangyarihan na maglista kung sino ang terorista. Dapat sa kamay ito ng korte, hindi ng mga appointee sa politikal na puwesto. Hindi ba lalo lang nitong pinaiigting ang pangamba na puwede gamitin ito para siilin ang mga kalaban sa pulitika ng sino mang nasa poder?
"Sakaling mahuli ang isang inosente, ano ang mangyayari? Kahit walang warrant puwede siya ma-detain nang 24 araw nang hindi dinadala sa korte. Tinatanggal ng bill ang P500,000 indemnity kada araw ng kulong sa maling pag-aresto, mistaken identity, wrongful detention, o planted evidence. In this sense, the bill sends a clear message: Arrest anyone you want; wala namang bayad kung magkamali ka.
"Walang eksperto mula sa hanay ng mga Muslim -- kaming mga pinaka-apektado sa mga implikasyon ng batas na ito -- na inimbita sa committee hearings sa Kamara o sa Senado. Wala galing sa National Commission on Muslim Filipinos; wala galing sa Bangsamoro Autonomous Region; wala galing sa alinmang civil society organization, wala galing sa mga Ulama at religious organizations. Kung hindi man lang tinanong ang mga ekspertong Muslim, paano isasalamin ng panukala ang realidad sa mga komunidad?
"Ayoko ng terorismo. Mali ang terorismo. Ito ay nagpahirap sa marami nating kababayan, at gumatong sa walang-hintong siklo ng karahasan, pang-aabuso, at kahirapan. Walang puwang para sa terorismo sa isang sibilisadong bayan. Kaya pilit ko hinahanap: Ano ang mga probisyon para totoong tugunan ang terorismo?
"Sa hinaba-haba ng batas na ito, sa dinami-dami ng probisyon para palawakin ang saklaw kung sino ang puwedeng hulihin -- ang inilaan nito para sa Program to Counter Violent Extremism: Tumataginting na isang paragraph! Hindi ba dapat doon ang tutok natin?
"Coming from Basilan, malinaw sa akin ang pangangailang masugpo ang terorismo at violent extremism. Sa Basilan nag-o-operate ang Abu Sayyaf. Kami ang madalas na biktima ng terorismo: Kami ang naki-kidnap, nasusunugan, namamatay kapag may terrorist attack.
"Sa kabila nito, noong nakipag-ugnayan at nakipagtulungan kami sa iba't-ibang sektor para sugpuin ang Abu Sayyaf, nakita namin: May paraan para magbago sila. May paraan para magbalik-loob sila sa lipunan. May paraan para makumbinsi silang talikuran ang terorismo.
"Hindi laging barilan o pag-aresto ang paraan. Puwedeng daanin sa development. Sa dialogue. Sa pag-aruga sa komunidad. Maayos na edukasyon para umangat ang antas ng pag-iisip at hindi mahulog ang kabataan sa kamay ng teroristang recruiter.
"None of those measures are present in this bill. This law is not meant to combat terrorism. It is meant to give the state the power to tag whomever they please as a terrorist.
"Hindi pa ba tayo natututo? Pag-etsapuwera, pagpapabaya, pang-aapi, pang-aabuso, paniniil ng karapatan at kalayaan -- ito ang nagtutulak sa ilan tungo sa violent extremism. Sana mamulat lahat: Kung ganito kalabnaw ang mga probisyon -- kung ganito kadaling ma-misinterpret o maabuso ang nakasaad sa batas -- baka mapalala ng batas na ito, imbis maampat, ang terorismo.
"Sa ngalan ng aking nasasakupan sa distrito ng Basilan, at sa ngalan ng bawat Moro na naparatangan, naaresto, at inetsapuwera dahil lang sa aming pagka-Moro; sa ngalan ng lahat ng tunay na nakaramdam ng terror ng hidwaan at pang-aapi, sinasabi ko: Hindi ito ang paraan.
Hindi matutugunan ng batas na ito ang terorismo.
'Bumoboto ako ng malinaw at walang pasubaling "NO" sa Anti-Terrorism Bill."
* * *
Anonymous twit against bigotry:
"Racism will never end as long as white cars use black tires. Racism will never end if people still use black to symbolize bad luck and white for peace. Racism will never end if people still wear white clothes to weddings and black to funerals. Racism will never end as long as those who don't pay their bills are blacklisted, not whitelisted. Even when playing snooker, you haven't won until you've sunk the black ball, and the white ball must remain on the table! But I don't care; as long as I'm still using white toilet paper to wipe my black ass, I'm happy."
* * *
Catch Sapol radio show, Saturdays, 8 to 10 a.m., DWIZ (882-AM).
My book "Exposés: Investigative Reporting for Clean Government" is available on Amazon: https://www.amazon.co.uk/Expos%C3%A9s-Investigative-Reporting-Clean-Government-ebook/dp/B00EPX01BG
* * *
Gotcha archives: www.philstar.com/columns/134276/gotcha
- Latest
- Trending