^

Opinion

Wheelchair joke

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

NAGALIT ang mga kaalyado ni Pampanga Rep. Gloria Arroyo sa “wheelchair joke” ni Presidente Aquino na inihayag sa harap ng mga Pilipino sa New Zealand.

“Ungentleman and insensitive” daw ang Pangulo nang sabihin nito sa isang talumpati na “ kung yung iba’y gumagamit ng mabibilis na auto sa pagtakas, mayroon ding gumagamit ng wheelchair.”

Tinutukoy ni P-Noy ang nabigong tangka noon ng dating Presidente na makalabas ng bansa para magpagamot. Magugunitang dumating siya sa airport noon na nakasakay sa wheelchair.

Ayon kina House Minority  leader Danilo Suarez at Deputy Minority leader Mitos Magsaysay, kawalan ng respeto ito ng Pangulo sa isang may karamdamang gaya ni Mrs. Arroyo.  Depensa naman ng Malacañang sa pamamagitan ni Abigail Valte, hindi dapat seryosohin ang isang biro.

Para sa akin, ito ay isang satire o pagbibirong tumutuligsa at may malalim na kahulugan. Ngunit talagang iindahin ito ng sino mang nasa kalagayan ni Mrs. Arroyo. Mabuti-buti pa yung joke ni P-Noy na may mga tiwali sa pamahalaan noon na “hindi lang ginawang gatasan ang gobyerno kundi gusto pang gawing bulalo.”

Isa raw pagtatakip sa masamang pamamalakad at kalagayan ng ekonomiya ang ginawang pagpapatawa ni P-Noy ani Rep. Suarez.  Nang marinig ko ang talumpa-ting ito ng Pangulo, naaliw din ako dahil may itinatago palang talino sa stand-up comedy ang ating Presidente.

Pero agree ako. May pagka-unpresidential ang ginawa ng Pangulo lalu pa’t nakasampa na sa korte ang kasong plunder laban sa Pangulo at hindi na dapat gumawa ng side comments tungkol dito. Isa pa, kahit ang mga doktor ng pamahalaan sa Veterans Medical Center ay nagsasabing delikado ang kalagayan ng dating Presidente. Puwede sigurong magbiro yung ibang tao pero hindi ang Presidente.

Kaso iyan ang persona­lidad ni P-Noy na nalantad na sa atin sapul pa noong bago  mapatalsik si dating CJ Renato Corona na madalas niyang tuligsain nang hantaran sa kanyang mga diskurso. Wish ko lang, huwag na sanang gatungan ito ng kanyang speechwriter.

ABIGAIL VALTE

DANILO SUAREZ

DEPUTY MINORITY

GLORIA ARROYO

HOUSE MINORITY

ISA

MITOS MAGSAYSAY

MRS. ARROYO

P-NOY

PANGULO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with