Duterte iginiit sa UN ang tagumpay ng Pinas vs China sa West Philippine Sea
MANILA, Philippines — Itinaas ni Pangulong Rodrigo Duterte sa United Nations General Assembly (UNGA) ang panalo ng Pilipinas sa China noong 2016 kaugnay sa usapin ng South China Sea na tinatawag ng bansa na West Philippine Sea.
Sa kanyang naging talumpati, sinabi ng Pangulo na hindi pinapayagan at hindi tinatanggap ng Pilipinas ang anumang pagtatangka na sisira sa July 2016 ruling ng Permanent Court of Arbitration in The Hague.
“The award is now part of international law, beyond compromise and beyond the reach of passing governments to dilute, diminish or abandon,” ayon kay Pangulong Duterte.
Aniya, ang commitment ng Pilipinas sa pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea ay laging nakasalig sa United Nations Convention on the Law of the Sea at sa 2016 ruling ng Permanent Court of Arbitration sa the Netherlands.
Matatandaang, ilang ulit nang hindi kinilala ng China ang 2016 ruling ng arbitral tribunal.
Sa kabilang dako, pinasalamatan din ng Chief Executive ang iba pang mga bansa na sumusuporta sa arbitral victory ng Pilipinas.
Sa ulat, noong nakaraang linggo ay ipinaalam ng mga bansang France, Germany at United Kingdom sa UN na hindi nila tinatanggap ang “historic rights” ng China sa South China Sea.
Sa note verbale na isinumite ng permanent mission ng UK sa UN sa New Yourk, ini-refer ng European states sa arbitral ruling taong 2016 na pinaninindigan nito ang pag-angkin ng Pilipinas base sa UN Convention on the Law of the Sea.
Hiniling naman ng UK mission sa UN na ipakalat ang note verbale “to all States Parties to UNCLOS and all Member States of the United Nations.”
Ayon kay Pangulong Duterte “geopolitical tensions continued to rise despite the COVID-19 pandemic.”
Nagpahayag din ito ng pangangailangan para sa “de-escalation of tension” lalo pa’t may maliliit na bansa ang hindi kayang makipagkumpitensiya.
Related video:
- Latest