^

Punto Mo

EDITORYAL - Talamak na holdapan sa bus at restaurants

Pang-masa

KAHAPON, tatlong customer ng isang restaurant sa Quezon City ang hinoldap ng nag-iisang holdaper at natangay ang mga cell phone, laptop at pera ng mga ito. Nakunan ng CCTV ang pagpasok ng lalaki at walang anumang hinablot ang cell phone ng isang babaing customer. Pagkatapos ay ang laptop naman ng isa pang kinuha. Nagbanta ang holdaper na babarilin niya ang mga ito kapag hindi ibinigay ang iba pang gamit. Matapos makuha ang kailangan, mabilis na tumakas ang suspect.

Ayon sa report, tumawag sa 911 ang mga biktima subalit walang nagrespondeng mga pulis.

Kamakalawa, isang pampasaherong bus ang hinoldap ng dalawang lalaking armado ng baril sa EDSA. Sumakay umano sa kanto ng EDSA at Taft Avenue ang mga suspect at makaraan ang ilang minuto, nagdeklara na ang mga ito ng holdap. Nagbanta pa ang mga holdaper na babarilin ang mga pasahero. Nang makuha ang mga cell phone, alahas, pitaka at iba pa, iniutos sa drayber na ihinto sa kanto ng EDSA at Gil Puyat. Mabilis na bumaba ang dalawang kawatan.

Wala namang namataang mga pulis sa lugar para mahingian ng tulong ng mga kawawang biktima. Nasaan nga ba ang mga pulis sa alanganing oras at hindi sila mahagilap?

Tagumpay ang Philippine National Police (PNP) sa kampanya laban sa illegal na droga subalit tila napapabayaan naman ang mamamayan sa mga criminal at kawatan sa kalsada. Kung nagagawang salakayin ang pugad ng drug pushers, bakit hindi ito magawa sa mga notorious na holdaper ng bus, restaurants, convenient stores at mga gasolinahan.

Habang abala ang mga pulis sa “Oplan Tok­hang’’, nagsasaya naman ang mga holdaper at iba pang kawatan sa pagsasamantala sa mga kawawang mamamayan. Sana, matutukan ng PNP ang problemang ito.

TALAMAK NA HOLDAPAN SA BUS AT RESTAURANTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with