^

Probinsiya

2 lalaki utas sa pamamaril sa Quezon

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
2 lalaki utas sa pamamaril sa Quezon
Ayon kay PLt. Carlo Caceres, acting chief of police ng Sariaya, ang unang insidente ay nangyari bandang alas-6:10 ng gabi sa Sitio San Isidro, Barangay Tulo-tulo.
STAR/File

SARIAYA, Quezon, Philippines — Tila balewala sa ilang indibidwal na nagmamay-ari ng baril ang gun ban na ipinaiiral ng Comelec at PNP dahil sa dalawang lalaki ang namatay sa pamamaril sa magkahiwalay na barangay sa bayang ito, kamakalawa ng gabi.

Ayon kay PLt. Carlo Caceres, acting chief of police ng Sariaya, ang unang insidente ay nangyari bandang alas-6:10 ng gabi sa Sitio San Isidro, Barangay Tulo-tulo.

Naglalakad lamang umano ang biktimang si Alex Cadiao, 54, sa bukid nang lapitan ng hindi kilalang suspek na armado ng maiksing baril saka pinagbabaril sa iba’t ibang parte ng katawan na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Samantala, minamaneho naman ni Mico Michael Caguitla, 31, ng Candelaria, Quezon ang isang Toyota Vios at binabagtas ang Maharlika Highway sa Sitio Palmas, Barangay Concepcion 1, alas-7:25 ng gabi nang barilin sa ulo ng kanyang kasama na hindi natukoy ang pangalan. Naisugod pa siya sa Candelaria District Hospital subalit nalagutan din ng hininga.

QUEZON

CANDELARIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with