Direktor ng Sangrre, sinibak?!
USAP-USAPAN na kahapon ang problemang inabot ng bagong fantasy series ng GMA 7 sa Sang’gre.
Konsepto at dinirek ito ni Direk Mark Reyes. Pero ang latest na pinag-uusapan ay wala na si Direk Mark sa proyektong ito.
Hindi malinaw kung nag-resign siya o tinanggal. Pero baka ipinalabas na nag-resign na lang.
Hindi na nga raw si Direk Mark ang magtatapos nitong Sang’gre kundi sina Direk Rico Gutierrez na at Direk Enzo Williams na.
Wala pa namang inilabas na statement si Direk Mark.
Sana sagutin niya ang mga lumulutang na kuwentong sobrang tagal daw nang pagkakagawa nitong fantasy series na ito, at ang dami na nilang na-taping, pero hindi pa rin daw nabuo ang pilot week.
Hindi rin daw happy ang mga boss sa kinalabasan, kaya hindi na ito ipinatuloy kay Direk Mark.
Ang pagkakaalam namin, itong Sang’gre ang ipapalit sa Pulang Araw na hindi na-extend. Kaya kailangang tapusin na itong Sang’gre.
Wala pa kaming katiyakan sa iba pang nasagap naming kuwento kung may gagawin pa bang shows si Direk Mark Reyes sa GMA 7.
Bukas ang pahinang ito sa panig ni Direk Mark Reyes.
AJ, wholesome na
Bago at kakaibang series itong mapapanood sa DZRH TV at mapapakinggan sa AM radio 666 ng DZRH itong WPS o West Philippine Sea.
Isang advocacy project ito ng grupong Kapisanan ng Social Media Boradcasters ng Pilipinas, Inc. o KSMBPI na pinangungunahan ni Dr. Michael Raymond Aragon.
Siya ang nagsulat ng kuwento at nag-produce nito dahil isa raw ito sa adbokasiya nila para sa ating bansa.
Nilinaw ni Dr. Aragon na hindi ito connected sa gobyerno, kundi talagang advocacy raw ito ng kanilang grupo. “We are here for a crucial advocacy, the issue about the West Philippine Sea. It’s part of our EEZ, awarded in an arbitral tribunal but there’s a bukky trying to threaten us,” bahagi ng pahayag ni Dr. Aragon.
Pero nilinaw niyang fiction ito na inspired sa nangyayari sa ating West Philippine Sea.
“This project is fiction, entertainment, but a subliminal way of talking to people to rally the correct foreign policy to make sure it doesn’t go to them.
“We are talking to air this on TV, free TV, Cable, Satellite, radio drama and Viva One. They have subscribers from all over the world, this is different from Vivamax, and is their prime brand,” dagdag niyang pahayag.
Tampok sa seryeng ito sina Jeric Raval, Rannie Raymundo, Lance Raymundo, Diana Menezes, Ayanna Misola, at may special participation sina Aljur Abrenica at AJ Raval.
Sabi nga ni Lance, ito na raw ang wholesome na project para kina AJ at Ayanna.
“Eto yung official na crossover ni AJ Raval at Ayanna Misola sa wholesome side, from sexy roles. And of course hindi naman natin masisisi naman minsan sa social media based from the poster. Maraming mga bashing na nagku-question na bold ba ito? Kung anong mga klaseng eksena na gagawin sa barko. Pero siyempre kapit lang, kasi ganun naman talaga e. Hindi naman mailabas lahat sa press release na ganyan,” saad ni Lance Raymundo.
Naka-schedule mag-streaming ito sa Viva One. Pero simula bukas, Martes at Miyerkules ng 11 ng gabi ay mapapanood na ito sa DZRH TV at may delayed airing sa radio ng Miyerkules at Huwebes ng 12 midnight.
- Latest