^

PSN Palaro

Kings’ Montessori iniligwak ang Perpetual, may-pag-asa pa sa quarters

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon
Kings� Montessori iniligwak ang Perpetual, may-pag-asa pa sa quarters
Na-blocked ni Samantha Ildefonso ng Kings’ Montessori School ang kill ni Sherrie Rose Acosta ng Perpetual Help sa Shakey’s GVIL.

MANILA, Philippines — May tsansa pa ang Kings’ Montessori School sa asam na makasampa sa knockout rounds matapos patalsikin ang University of Perpetual Help, 25-17, 25-14, sa Pool C ng 2024 Shakey’s Girls Volleyball Invitational League (GVIL), kahapon na nilaro sa Paco Arena, Manila.

Nirehistro ng Kings’ Montessori ang unang panalo sa dalawang laro, kasalo nila ang University of Santo Tomas sa second spot habang nasa unahan nila ang quarters-bound Bacolod Tay Tung.

Tumikada si Winger Shahanna Lleses ng 12 points, lahat ay galing sa kills para sa Kings’ Montessori na haharapin ang Junior Tigresses sa do-or-die match para sa natitirang quarters berth ngayong araw sa alas-12 ng tanghali sa parehong lugar. 

Samantala, pasok sa quarterfinals ang National University-Nazareth School matapos nilang payukuin ang University of the Phi­lippines Integrated School, 25-17, 25-20.

Nakabangon mula sa pagkakadapa ang Lady Bullpups kontra UAAP rival at quarters-bound Adamson University, tangan nila ang 2-1 win-loss record para tapusin ang kanilang kampanya sa Pool D.

Pinamunuan nina Carly Tizon at Hilalhia Alberto ang opensa para sa NUNS matapos magtala ng tig walong puntos at pinagsamang 12 at 22 attack points ng koponan.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with