DA: 25 porsyento ng retailers sumunod sa pork MSRP sa mga palengke sa NCR

MANILA, Philippines — Tumaas na ang bilang ng mga magtitinda ng karne ng baboy na tumupad sa itinakdang Maximum Suggested Retail Price (MSRP) sa pork products sa mga palengke sa Metro Manila makaraan ang dalawang implementasyon nito noong Marso 10.
Ayon kay DA Spokesperson Assistant Secretary Arnel de Mesa, mula sa 6 percent level of compliance ng mga retailers sa MSRP sa pork products, ngayon ay nasa 25 percent na ang compliance dito.
Itinakda ng DA ang MSRP sa pork products sa P380 per kilo sa liempo at P250 per kilo sa kasim at pige.
Exempted naman sa MSRP sa pork ang mga tindang karne ng baboy sa mga supermarkets at hypermarkets dahil sa mataas nilang operating costs.
“‘Yung prevailing prices ay unti-unti naman nang bumababa. Ang kasim, ang prevailing price ay nasa P360, pero may nakikita pa rin tayong P420 sa ilang pamilihan… Sa liempo, dapat P380 ang napagkasunduan... Ang prevailing ay P410 pero may nakita tayong P470,” sabi ni De Mesa.
Binigyang diin ni De Mesa na magkakaroon sila ng imbestigasyon kung sino ang umaabuso sa presyuhan ng pork products.
- Latest