Malapitan hataw pa rin sa survey, Trillanes sadsad muli
MANILA, Philippines — IIang araw bago ang pormal na kampanyahan ng local candidates, patuloy ang pamamayagpag ni Caloocan Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan sa survey kontra sa kanyang katunggali sa pagka-alkalde ng Caloocan na si dating Senador Antonio Trillanes.
Sa inilabas na resulta ng survey na isinagawa ng Social Weather Stations, lumilitaw na 85% ng mga Batang Kankaloo ang boboto pa rin kay Malapitan sa tanong na kung ngayon gagawin ang halalan.
Nagpahayag din ang mga Batang Kankaloo na suportado nila si Malapitan sa halalan.
Samantala, sadsad naman sa 10% ang nakuhang suporta ni Trillanes.
Matatandaang nitong Pebrero 2025, naglabas din ang SWS ng survey kung saan lagpak din ang trust ratings na nakuha ng dating Senador na negative 22 habang umalagwa naman si Malapitan na nakakuha ng positive 75 net trust rating.
- Latest