Bigtime ‘tulak’, timbog sa P272 milyong shabu

MANILA, Philippines — Aabot sa P272 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) mula sa isang bigtime ‘tulak’ sa ikinasang buy-bust operation sa Rizal.
Ayon kay PDEA Director General Undersecretary Isagani R. Nerez, isinagawa ang anti-illegal drugs operation Miyerkules ng gabi sa Rizal Cement Village, Brgy. Pantok, Binangonan, Rizal na nagresulta ng pagkakadakip sa drug suspect na si alyas “Ronald”.
Nakalagay sa 40 black gold foil packs ang pinaniniwalaamg shabu na tumitimbang ng 40 kilo.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Illegal Drugs) at Section 11 (Possession of Illegal Drugs), Article II ng Republic Act 9165, oThe Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek.
Dagdag ni Nerez, ang pagkakasamsam ng illegal drugs ay nagdulot ng malaking epekto sa supply ng droga sa lugar.
- Latest