^

Metro

Rehabilitasyon ng EDSA, pag-usapan –Motorcycle Dealers

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Rehabilitasyon ng EDSA, pag-usapan �Motorcycle Dealers
Vehicles head northbound along EDSA near Santolan in Quezon City on February 25, 2025.
Philstar.com / Martin Ramos

MANILA, Philippines — Nanawagan ang Motorcycle Dealers Association of the Philippines (MDAP)  sa Department of Transportation (DOTr)  na magpatawag muna ng pulong sa stakeholders bago simulan ang planong rehabilitasyon sa kahahaan ng Edsa.

Ayon kay Edwin Go, Presidente ng MDAP kailangang pag-usapang mabuti ang EDSA rehabilitation dahil marami ang maaapektuhan nito hindi lamang ang kabuhayan ng maraming pilipino at ekonomiya ng bansa.

“So pag naisara ‘yang Edsa, wala na..ang laking epekto nyan sa lahat laluna sa ekonomiya” sabi pa ni Go.

Nirekomenda rin nito sa DOTr na ibukas sa mga motorsiklo ang bicycle lane sa Edsa habang ginagawa ang rehabilitasyon upang makatulong na makabawas sa ma­tinding traffic na lilikhain ng EDSA rehabilitation.

Aniya hindi na gaanong nagagamit ng mga bikers ang bicycle lane kaya’t dapat sana ay ipagamit din ito sa mga motorsiklo sa panahon ng rehabilitasyon.

EDSA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->