^

Metro

Valenzuela LGU namahagi ng patrol car, motorcycles vs krimen

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Valenzuela LGU namahagi ng patrol car, motorcycles vs krimen
Nakiisa si Senator Francis ‘TOL’ Tolentino sa Valenzuela City government sa turnover ceremonies ng 25 patrol cars at 40 motorsiklo sa Valen- zuela police force kahapon ng umaga. Kasama niya rito si Mayor Wes Gatchalian at mga opisyal ng lungsod at pulisya. “Alagaan ang resources, equipment and the trust given to you by Mayor Gatchalian and the people of Valenzuela,” hikayat pa ni TOL sa mga pulis.

MANILA, Philippines — Upang matiyak ang kaligtasan at kaayusan ng mga Valenzuelanos, Pormal nang ipinamahagi ni Mayor Wes Gatcha­lian ang mga bagong patrol cars at motorcycles sa Valenzuela  City Police kahapon.

Nabatid na umaabot sa P49 milyon ang inilaang pondo ng Valenzuela LGU sa pagbili ng 40 motorsiklo at 25 police vehicles.

Ayon kay Gatcha­lian, mas dadami ang makikitang mga pulis sa lansangan at magiging madali ang pagresponde sa mga insidente sa kalye.

“Binibigyan po natin ng prayoridad ang peace and order [sa lungsod ng Valenzuela]. Sana po ay dumating ang panahon na kapag tinawag na Valenzuelife, ay panatag po ang loob ng ating mga anak na galing sa eskuwela at mga asawa na galing sa trabaho na sila’y ligtas–na kapag sila’y naglalakad man sa looban ay hindi sila nangangamba dahil visible ang ating kapulisan,” ani Gatchalian

Kasabay nito, inilunsad din ang ValPLEX, na layong maisyuhan ng mabilis ng plaka ang mga sasakyan .

Sa pangunguna ng tanggapan ni Councilor Sel Sabino-Sy at LTO, layon ng ValPLEX na mapabilis ang issuance sa paglalabas ng  plaka ng mga sasakyan.

Matapos ang government-owned vehicles, target ng ValPLEX ang pag-iisyu ng mga plaka sa Tricycle Operators and Drivers’ Association (TODA) kung saan nasa 2,761 license plates ang naipamahagi.

WES GATCHA­LIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->