5 ‘tulak’ laglag sa buy-bust ng Caloocan Police
MANILA, Philippines — Limang talamak na ‘tulak’ ang naaresto ng mga tauhan ng Caloocan City Police sa magkahiwalay na buy-bust operations sa lungsod.
Ayon kay Caloocan City Police chief PCol. Edcille Canals, nahaharap sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng Article II ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga drug suspect na sina “Troy”,35, cook;”Liza”, 26; “June”,50 e-bike driver; “Lito”, 26 at “Nilo”, 26.
Batay sa report na tinanggap ni Canals, sina Troy, Liza at June ay nadakip sa buy-bust operation kahapon ng madaling araw sa Torsillo St., Brgy.28, Caloocan City habang nitong Huwebes naman ng madaling araw sa Salmon St., Brgy. 8, Caloocan City sina Lito at Nilo.
Nakuha sa mga ito ang nasa P244,000 halaga ng shabu.
Sinabi naman ni Northern Police District (NPD) Director PCol. Josefino Ligan na ang anti illegal drugs operations ay indikasyon na sinsero ang National Capital Region Police Office sa ilalim ng pamumuno ni Director PBGen. Anthony A. Aberin na puksain ang talamak na bentahan ng iligal na droga sa Kamaynilaan.
- Latest