^

Metro

57 dayuhan ipinadeport ng BI

Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinatapon ng Bureau of Immigration (BI) ang 57 foreign nationals na kinabibilangan ng 46 mga Chinese nationals, isang Malaysian, 7 Myanmar nationals, at tatlong Vietcong na bahagi ng kampanyang pagpapaalis ng mga ilegal na dayuhan sa bansa, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na palakasin ang seguridad sa hangganan at ipa­tupad ang mga batas sa imigrasyon nang walang kompromiso.

Ang mga deporte ay pinabalik sa pamamagitan ng ilang flight sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) mula Enero 31 hanggang Pebrero 5. Kabilang ang mga ito 450 na naaresto noong Enero dahil sa paglabag sa batas ng Pilipinas, partikular ang mga sangkot sa ilegal na aktibidad ng POGO.

Muling iginiit ni BI Commissioner Joel Anthony Viado ang zero-tolerance na paninindigan ng ahensya laban sa mga dayuhang nagsasamantala sa mabuting pakikitungo sa bansa para gumawa ng mga ilegal na aktibidad.

Ani Viado, sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Marcos at sa buong suporta ng Kagawaran ng Katarungan, determinado ang BI na paalisin sa bansa ang mga dayuhan lumalabag sa batas.

Partikular na nakatuon ang crackdown sa mga dayuhang sangkot sa mga ilegal na POGO, na iniugnay sa human trafficking, cyber fraud, at iba pang mga negosyong kriminal.

Nangako ang BI na ipagpatuloy ang kanilang mass deportation efforts sa pakikipag-ugnayan sa mga ahensyang nagpapatupad ng batas, na nangangako ng higit pang pag-aresto at pagtatanggal sa mga susunod na buwan.

POGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with